^

Bansa

Michael Yang bahagi ng ‘Chinese intel’ sa Pinas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Michael Yang bahagi ng ‘Chinese intel’ sa Pinas
Screengrab shows Michael Yang, former economic adviser to President Rodrigo Duterte, attending a Senate Blue Ribbon Committee hearing on Sept. 10, 2021.
Screengrab / Senate of the Philippines

MANILA, Philippines — Bahagi ng paniniktik o intelligence operation ng China sa Pilipinas si Michael Yang, dating economic adviser ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Sen. Risa Hontiveros.

Sa huling pagdinig ng Senado sa Philippine offshore gaming operators (POGOs), ipinakita ni Hontiveros ang larawan ng self-confessed Chinese spy sa Al Jazeera documentary na si She Zhijiang kasama si Yang.

Sinabi ni Hontiveros na ang litrato ay ipinadala sa kanyang team ng isa sa kanilang mga impormante.

“It further deepens what we already know: Michael Yang is a key actor in Chinese intelligence operations here. Michael Yang na sangkot sa Pharmally, and if the reports are accurate, sa drug operations dito,” ani Hontiveros.

Inilarawan din ni Hontiveros ang POGO bilang “monster” na gumagawa ng human trafficking, money laundering, torture at espionage.

Ayon pa kay Hontiveros, nasa paligid lang ang “Chinese Communist propaganda” at makikita ang kanilang kuta sa isang spa sa Pasay.

Idinagdag ni Hontiveros na mayroon ding video na naglalaman ng anti-US statements at nanawagan na pagsilbihan ang kanilang “motherland.”

MICHAEL YANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with