^

Bansa

DepEd: Lahat ng batang nasa 'school-age' dapat mag-aral

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinaalaala ni Department of Education (DepEd) Secretary Armin Luistro sa mga guro sa mga pampublikong paaralan na wala dapat silang tatanggihang bata sa araw ng enrollment.

"We call on all teachers and school officials to see to it that we do not refuse a single student who wants to enroll. We strongly remind them that we do not collect any fees as a requirement for enrollment," ani Luistro.

Sinabi pa ni Luistro na hindi dapat humingi ng anumang halaga o kontribusyon ang mga guro mula sa mga magulang ng mga batang magpapalista para sa darating na pasukan sa susunod na buwan.

Aniya, ang mga ibibigay na pera ng mga magulang ay dapat boluntaryo.

Ang pahayag ay kaugnay na rin sa paghimok ng DepEd sa mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak na nasa "school-age" sa mga eskuwalahan.

Binanggit naman ng DepEd ang mga maaaring singilin mula sa mga bata kabilang ang membership fees para sa Boy Scouts at Girl Scouts, Philippine National Red Cross, Anti-TB fund, school publication fee, at Parents Teachers Association fee.

Ayon sa DepEd  Order 41, iniutos ni Luistro  sa mga opisyal ng eskuwelahan na wala dapat sisingiling anumang halaga ng pera sa mga mag-aaral mula kinder hanggang Grade 4.

Sa naturan ding kautusan, hindi dapat singilan ang mga mag-aaral ng Grade 5 hanggang fourth year high school simula Hunyo hanggang Hulyo ng taong ito. Maaari lamang silang hingian ng mga kontribusyon sa darating na Agosto.

Kabilang sa mga kontribusyon na puwedeng hingin sa mga mag-aaral mula Grade 5 sa Agosto ay:

P50 -  Boy Scouts and Girl Scouts membership fees
P35 - Philippine National Red Cross
P5 - Anti-TB fund drive
P60 - school publication fee para sa mga mag-aaral sa elementary
P90 - school publication fee para sa mga high school student

 

vuukle comment

AGOSTO

BOY SCOUTS

BOY SCOUTS AND GIRL SCOUTS

DEPARTMENT OF EDUCATION

GIRL SCOUTS

LUISTRO

PARENTS TEACHERS ASSOCIATION

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with