^

Pang Movies

Sunshine, tinaas ang bandera ng mga Gen X!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sunshine, tinaas ang bandera ng mga Gen X!
Sunshine Cruz

Pinatunayan ng aktres na si Sunshine Cruz na age is just a number nang maging endorser siya ng Bench.

Hindi niya akalain na matutupad pa ang isa sa mga pangarap niya noon kahit na nasa 40s na ang kanyang edad ngayon.

Laking tuwa raw niya nang maging endorser ng nasabing brand ang mga anak na sina Sam at Angelina dahil siya mismo ay matagal nang pangarap ang maging endorser nito.

Tinanggap na niya na hindi lahat ay para sa kanya lalo na ngayon sa edad niya.

Pero kung kelan tinanggap na niya na hindi ito para sa kanya ay saka naman siya nagkaroon ng pagkakataon na ma­ging parte ng Bench family nakaraang taon.

Sobrang pasasalamat daw niya sa pagkakataong ibinigay sa kanya at napatunayan niyang maaari talagang matupad ang mga pangarap.

Kaya proud na proud siyang nire-represent ang mga Gen X. Hindi pa raw huli ang lahat para matupad ang mga pangarap natin at sinabing age is just a number.

Ibinahagi niya ang litrato ng kanyang napakalaking billboard na pinusuan ng netizens dahil deserve raw talaga nito maging parte ng nasabing brand. Itinaas daw nito ang bandera ng mga Gen X.

Kamakailan din ay rumampa siya at finlex ang kanyang toned body sa runway ng Bench Fashion Week.

Talagang walang kupas ang ganda ang kaseksihan ng dating misis ni Cesar Montano at para nga silang magkakapatid lang ng mga anak nito. Bongga.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with