^

Pang Movies

Sharon, may mga taong tatanggalin sa kanyang buhay!  

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sunud-sunod ang post ni Sharon Cuneta ng quotation card, pero sa post niyang “Cutting People out of my life does not mean I hate them, it simply means I respect me.”

Unknown ang nagsabi nito pero nakuha ni Sharon ang quote mula sa Coffeemugandaquote. May iba pa siyang pinost na quotation, pero sa quote na ito naintriga ang mga nakabasa. Sino raw kaya ang pinatutungkulan ni Mega Star at may pinatutungkulan siya dahil hindi niya ito ipo-post kung wala lang.

Nami-miss na siya ng kanyang followers sa IG dahil paisa-isa na siyang mag-post ngayon at matagal pa ang gap. Ito ‘yung sinabi niyang pagbabago sa kanyang social media, na nami-miss naman ng fans.

Anyway, anniversary nina Sharon at asawang si Kiko Pangilinan sa April 28, bukas na ‘yun. Sinagot ni Kiko ng emojis ng red heart at fire burning ang post ni Sharon na “From my boyfriend of 30 years (on March 24th) and husband  of 28 years (on the 28th of this month)! Good job, good boy! #happywifehappylife @kikopangilinan.”

Bimby, ‘di na tuloy sa showbiz?!

Ang gaganda ng messages on healing na ipinadala ng mga nagmamahal kay Kris Aquino na nag-update ng kanyang health condition sa latest post nito. Ang daming matututunan sa birthday greetings kay Bimby at may madidiskubre tayo how fine a young man Bimb is.

May comment lang si Kris na nagpatawa sa mga nakabasa. May bumati kasi kay Bimb na sinagot ni Kris ng “@macaraigandrea i may no longer be your future step mo in law, BUT i’ll always be your TK.”

Na-curious ang mga nakabasa sa comment ni Kris at kasama kami sa naniniwalang baka girlfriend si Andrea Macaraig ng isa sa mga anak na lalake ni Vice Governor Mark Leviste kaya ganu’n ang comment niya. Saka, politician si Ms. Andrea, nakalagay sa DP niya sa Instagram at sa pagbabasa namin ng comment, councilor pala siya sa Batangas City.

Anyway, sa sagot niya na ‘yun, ano kaya ang ibig niyang sabihin na hindi na siya magiging future step mom-in-law ni Ms. Andrea? Wala bang kasalan na mangyayari? Ang TK na binanggit ni Kris ay “Tita Kris,” na ibig sabihin, puwede pa rin siyang maging Tita Kris nito.

May nabanggit din si Kris na pauwi ng Pilipinas si Bimb para ayusin ang student visa nito. Tama ba na ang dating nito sa amin, magpapatuloy sa kanyang pag-aaral si Bimby at hindi na nga itutuloy ang pagpasok sa showbiz?

Walang binanggit si Kris kung kailan uuwi ng bansa si Bimb, malalaman din natin ito at baka mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda ni Boy Abunda.

Euwenn, gagawa ng Netflix movie!

Wala pang title, pero may gagawing Netflix movie si Euwenn Mikaell, ang child actor na kasama ni Alessandra de Rossi na nagbida sa Firefly. Kasama niya sa movie ang Kapamilya actors na sina Jake Cuenca at Baron Geisler.

Mukha ngang nagsimula na ang shooting ng project dahil sa photo na lumabas, magkakasama ang tatlo at nakaakbay pa si Baron kay Euwenn. Nasa tabi naman nila si Jake.

Abangan natin ang announcement ng iba pang details sa Netflix movie na ito, gaya ng iba pang co-stars, sino ang director, sino ang producer at kung kailan ang streaming nito.

Anyway, bukod sa Netflix movie, ginagawa rin ni Euwenn sa GMA 7 ang Afternoon Prime series na Forever Young. Maganda ang story ng series sa direction nina Rechie del Carmen at Gil Tejada.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with