^

Pang Movies

Running man, nagpatikim ng lamig

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Running man, nagpatikim ng lamig

Ang bongga ng Running Man Philippines ng GMA ha.

Talagang sa gitna ng init sa Pilipinas, hitsurang winter sa Korea ang kanilang location. Talagang habang init na init tayo, ginaw na ginaw naman ang mga kasali.

Talagang magiging very curious ka dahil kahit man lang sa TV makaka-feel ka ng konting ginaw.

Suwerte nila Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy De Santos, Angel Guardian, and the newest addition to this season’s runners, Miguel Tanfelix.

Talagang nag enjoy sila sa lamig.

Kaya naman excited na ang marami na makita kung paano nila nalagpasan ang sobrang lamig ng Korea.

Siyempre hindi sanay ang mga tulad nating Pilipino sa sobrang ginaw. Kaya naman talagang exciting para sa lahat makakita ng snow.

Ngayon pa lang inaasahan na magiging mataas ang rating ng Running Man  pati mga bata ay excited na mapanood ito.

 Talagang sarap puntahan ngayon ang malalamig na lugar dahil makakatakas ka sa init ng Pilipinas na sabi nga ng iba parang nakaka-relate na sila sa impyerno.

Hahaha.

Grabe ‘yun ha.

Impyerno talaga.

Pero kahit ano pang init sa bayan natin, siyempre ang love par in natin ang sarili nating Pilipinas.

vuukle comment

RUNNING MAN PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with