^

Pang Movies

Angela, Maki, at Bugoy, nagpasaya sa Boracay

Pang-masa

MANILA, Philippines — Punong-puno ng musika at feels ang Boracay sa ginanap na Summer For Reel event noong Sabado (Mayo 4) tampok ang Kapamilya artists na sina Angela Ken, Maki, at Bugoy Drilon.

 Naghandog si Angela ng iba’t ibang awitin kabilang ang Alas Diyes at Ako Naman Muna.

Tinawag rin niya sa entablado si Maki para awitin nila ang kanilang song collaboration na Sikulo.

 Nagpasaya rin si Maki hatid ang iba’t ibang kanta at kasama rito ang original songs niyang Bakit?, Kailan?, at ang phenomenal hit na Saan? Sinorpresa rin niya ang mga manonood ng snippet ng kanyang upcoming single na Dilaw.

Higit pang pinainit ni Bugoy ang acoustic jamming session sa isla sa kanyang beautiful song numbers, kabilang na ang all-time favorites na Waiting in Vain,  Nothing’s Gonna Change My Love For You, One Day, at sariling kanta na  Paano Na Kaya.   

Hatid din ng bonggang summer event ng ABS-CBN ang outdoor movie screening ng Love You To The Stars and Back na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Nagpaindak naman ang mga DJ na sina Stephen Magsino at Hottiejib sa ilalim ng MYX Sets. Pinangunahan ni Aiyanna Perlas ang programa bilang host.

Ang Summer For Reel ay handog ng ABS-CBN Events at Cinema One sa pakikipag-ugnayan sa Boracay Party and Event, ABS-CBN Films, at ABS-CBN Music.

vuukle comment

BORACAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with