^

Pang Movies

David makakatulog na, nakaraos sa operasyon

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
David makakatulog na, nakaraos sa operasyon
David

Tagumpay ang isinagawang operasyon kay David Licauco para sa kanyang sleep apnea kaya naman sobrang thankful ng aktor lalo na sa lahat ng nagdasal para sa kanya.

Ang sleep apnea ay isang sleeping disorder kung saan habang natutulog ang isang tao ay paulit-ulit siyang tumitigil sa paghinga.

Sa pamamagitan ng X (dating Twitter) ay ibinalita ng senior artist handler ng Sparkle GMA Artist Center na si Isabel Bulatao sa isinagawang operasyon kay David last Monday.

“David Licauco is undergoing his RFA Sleep Apnea procedure today. Your prayers for his safety and the success of the operation are greatly appreciated (praying hands emoji),” aniya sa kanyang post.

Makalipas ang ilang oras ay nag-reply si David sa naturang post at sinabing tapos na ang surgery.

“Tapos na! Salamat sa lahat ng nag dasal po i appreciate you all!” saad ng Pambansang Ginoo.

Claudine, inaming ‘di kinaya ni Gretchen ang bashing

Ibinunyag ni Claudine Barretto kung bakit biglang nag-dissapear ang kanyang ate Gretchen Barretto sa social media.

Matatandaan kasing dati ay active na active si La Greta sa socmed at lagi ngang nagiging viral ang mga posts niya. Pero sa hindi malamang kadahilanan ay bigla ngang nawala ang kanyang account and since then ay wala na tayong narinig from her.

Sa mediacon ng upcoming film ng aktres titled Sinag, isa sa nga sa naitanong sa kanya ay ang tungkol sa tunay na dahilan ng pagiging inactive sa socmed ng ate niya.

“I really can’t speak in behalf of my sister but based sa alam ko ha, ‘di ba nun’g pandemic tumulong siya sa lahat. Lahat, pati mga hospitals,” sey ni Claudine.

“Any hospital na mapuntahan ko, hanggang sa Subic, pati janitors sinabi na nakakuha sila ng ayuda sa ate ko,” dagdag niya.

Pero kahit na gaano pang kabutihan ang ginagawa ng kanyang ate ay mayroon at mayroon pa ring namba-bash.

 “Siguro matagal-tagal na ring wala kasi sa showbiz si Gretchen and mayroon pa ring namba-bash, so parang alam mo, hindi na siya sanay sa ganu’n,” aniya

Maganda raw ang intensyon ng kanyang ate at kaya naman daw nito.

 “I mean, we all know that she’s living her best life. You know, she’s blessed and she shares her blessings and iba-bash pa siya. Parang hindi na niya kailangan ‘yun sa buhay niya. So, tinanggal na niya ‘yun. Okay na ‘yun.

“I think, last na ‘yun na nakapag-bless siya, pero para i-bash pa siya, hindi niya kailangan sa buhay niya ‘yun,” pahayag ni Clau.

Samantala, tinanggao ni Claudine ang pelikulang Sinag dahil sobrang nagustuhan daw niya ang script. May pagka-fantasy ang movie kung saan ay gaganap siyang isang diwata, but at the same time ay tatalakay din sa iba’t ibang issues na napapanahon.

vuukle comment

DAVID LICAUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with