^

Pang Movies

Nadine at Alden, gustong pagtambalin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Nadine at Alden, gustong pagtambalin
Nadine

Na-post ang Zoom meeting ni Nessa Valdellon, Executive Vice President of GMA Pictures and First Vice President of GMA Public Affairs at ibang officers ng GMA Pictures kay Nadine Lustre. Ang una agad naisip ng netizens na nakakita sa post, gagawa ng movie sa GMA Pictures at baka sa co-produce din ng GMA Pictures.

 Dahil talent ng Viva Artist Agency si Nadine, ibig sabihin nito, co-producer ang Viva Films. Matagal nang request ng Kapuso fans na magkaroon ng collab ang Viva Films at GMA Pictures na pagbibidahan ni Nadine at mukhang matutuloy na.

 Ang request naman ng fans ni Alden Richards, sana si Alden ang itambal kay Nadine sakaling matuloy. Kahit daw busy si Alden, siguradong gagawa ito ng paraan na maayos ang schedule.

And speaking of Nadine, pasabog din ang suot nito sa Omega event na ginawa sa Milan, Italy. Pareho sila ni Lovi Poe na hindi nagpakabog ang suot sa nasabing event at pareho rin silang nagpasilip ng boobs.

May photo si Nadine na nakatagilid at masisilip ang side ng kanyang boobs at bare back din siya, kaya halos ang chest lang nito sa upper torso niya ang may takip.

Xian, tahimik ang naging relasyon noon kay Erich

Kundi pa nag-break sina Xian Lim at Kim Chiu, hindi pa namin malalaman na naging girlfriend ni Xian si Erich Gonzalez. May nag-comment na si Erich ang girlfriend ni Xian before Kim, pero hindi maingay ang naging break-up nila unlike sa paghihiwalay nina Xian at Kim.

Sabi, si Kim ang naging rason nang paghihiwalay nina Xian at Erich, kung totoo man ito, hindi pa rin maingay at  hindi kontrobersyal.

Sabagay, that time, hindi pa ganu’n ka-active sa bansa natin ang social media.

 Anyway, inookray ng bashers ni Xian ang OOTD nito sa shooting sa Thailand ng Kuman Thong.

Ang init daw sa Thailand, pero si Xian, naka-porma sa suot na polo, baggy pants at leather shoes.

Iba raw si Xian sa mga director na ang iba, naka-shorts lang, t-shirt at rubber shoes at naka-cap o beanie pa nga.

Siguro raw, nagpapapansin lang si Xian kay Iris Lee na kasama sa shooting sa Thailand dahil siya ang producer ng nasabing pelikula.

 Nabasa rin namin ang mga comment ng basher ni Xian at panawagan sa kapwa KimXi fans nila ni Kim na i-boycott ang mga project nito. Kasama sa gusto nilang i-boycott ang pelikulang Playtime na this May na ang showing at collab ng Viva Films at GMA Pictures.

 Kasama rin sa ipinapa-boycott ang Kuman Thong with Sanya Lopez, Faye Lorenzo, and Coleen Garcia and directed by Mark Reyes.

Hintayin natin kung magtagumpay ang bashers ni Xian sa kanilang panawagan.

Diego, installment ang pagpapakita sa hitsura ng anak

Isinama ni Diego Loyzaga sa interview sa kanya ni Maricel Soriano sa YouTube channel ng aktres. Hindi nga lang masyadong ipinakita ni Diego ang mukha ng baby niyang si Hailey. Naka-side view si Hailey habang karga ng aktpr, kaya ang right side lang ng bagets ang nakita.

 Sa interview ni Maricel, nabanggit ni Diego na magwa-one year old na si Hailey at may pangako sa kanya si Diego at ayaw niyang maranasan ng kanyang anak ang mga naranasan niya.

 Sabi ni Diego, “Ipinangako ko I’ll give her the life that I never had. Wish ko naman sa kanya, hindi niya maranasan ‘yung ganoong hirap na pinagdaanan ko habang nasa Australia kami. I don’t want her to experience that.

 “Gusto ko lang maybe a little silver spoon si Hailey, nang kaunti. Protected naman ng konti,” dagdag pa ni Diego.

Hindi natanong ni Maricel si Diego about the mother of his daughter.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with