^

Pang Movies

Dylan nina Jennylyn at Dennis, may fandom na agad!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dylan nina Jennylyn at Dennis, may fandom na agad!
Dylan

Ang cute naman ng daughter nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na si Dylan na nagpakalat ng cuteness sa camera.

Binahagi ng aktres ang video nito kung saan naka-beach outfit ang bagets habang naglalakad sa buhangin.

“Hi fans!” caption nito sa ipinost na video ng anak.

Maririnig sa video ang daddy Dennis nito na tinuturuan ang anak na magsabing “hi fans” na sinunod naman ng anak.

Kaya naman tuwang-tuwa ang netizens na nagsabing ang cute at ang ganda raw ni Dylan.

Kaya naman sey ng tagahanga ay kailangan na nila ng fandom name ng bagets nina Jennylyn at Dennis.

Na sinang-ayunan naman ng iba pang fans.

Walang dudang namana nito ang ganda ng kanyang mommy Jennylyn.

Kaseselebreyt lang nito ng kanyang 2nd birthday kung saan Sesame Street-themed ang kanilang photoshoot. Nakasuot ang mag-asawa ng Moondbug at Sesame Street hosts na sina Blippi and Meekah.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with