^

Pang Movies

Ivana nadiskubre ang tunay na ugali ni Paulo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ivana nadiskubre ang tunay na ugali ni Paulo
Ivana at Paulo

Hit na hit ngayon sa YouTube ang prank na ginawa ni Ivana Alawi kay Paulo Avelino kung saan ay nakipag-away ang aktres/vlogger sa mga tindera ng damit.

Sa latest vlog ni Ivana ay guest si Paulo at ang challenge na ginawa nila ay mamili sa tiangge na ang budget limit ay P1,000. Pero ang hindi alam ng aktor, ang pinaka-highlight ng vlog ay ang prank sa kanya.

Mapapanood sa video na walang ginawa si Ivana kundi tumawad nang tumawad sa damit na kanilang binibili. Hanggang sa medyo naaasar na ang dalawang tindera na nagkuwaring maglola.

Makikita namang namamagitan si Paulo sa tuwing medyo nagkakainitan na si Ivana at ang maglola na in fairness ay magaling umarte, huh!

Hanggang sa dumating na sa climax na sinabunutan na si Ivana ng lola. Siyempre, acting na acting din si Ivana para hindi mahalata ni Paulo na prank.

In fairness, dito nakita ang pagiging mabuting tao ng aktor. Dahil panay ang sabi niya kay Ivana na huwag nang patulan ang lola dahil senior citizen na ito. Panay din ang sabi niya sa lola na relax lang dahil baka kung mapapano ito.

Nang nagkakasabunutan na si Ivana at ang maglola ay talagang gumitna si Paulo sa dalawang kampo at super-awat siya.

At nang i-reveal na nga nila na “it’s a prank” ay dito na nahimasmasan si Paulo. “Oh my God,” ang paulit-ulit niyang sambit.

“In fairness, ha, naniwala ako,” sey pa ng aktor.

Tawa naman nang tawa si Ivana at ang gumanap na mag-lola.

Sked ni Bong, naiba dahil sa kanyang paa

Last two weeks na lang ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 na pinagbibidahan nina Sen. Bong Revilla and Beauty Gonzalez. At sa mga nagtatanong kung may season 3 ito, nang huli naming nakausap ang action/star pulitiko, aniya, if ever ay baka hindi raw this year dahil sa nalalapit na eleksyon.

Magiging busy na raw kasi siya sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar this year for the 2025 elections kung saan ay muli siyang tatakbong senador. Bukod dito ay ginagawa rin niya ang comeback film niyang Alyas Pogi 4 na balak niyang isali sa Metro Manila Film Festival 2024.

Pero kamakailan ay nagkaroon ng injury si Sen. Bong at kinailangang operahan sa paa kaya medyo magkakaroon ng changes sa kanyang schedule habang nagpapagaling pa siya.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with