^

Pang Movies

Yen, walang paliwanag sa pagbura ng birthday post kay Paolo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Yen, walang paliwanag sa pagbura ng birthday post kay Paolo!
Paolo Contis at Yen Santos

Tsinek namin ang Instagram ni Yen Santos at totoo nga na dinelete ng aktres ang post niya sa nakaraang birthday ni Paolo Contis. Hindi na namin makita ang mga larawan ni Paolo na nag-celebrate ng birthday.

Sabi nito, “Screaming happy 40t birthday to my best friend thank you for everything you do” at pareho pa silang nakangiiti sa photos.Ni like pa nga ni Paolo ang post na ‘yun ni Yen.

Wala namang balita na hiwalay na sila and the mere  fact na pina-follow pa rin ni Paolo si Yen, ibig sabihin, wala silang isyu and they are still together.

Speaking of Paolo, showing na sa May 15, ang Fuschia Libre na kung saan, bading ang role ni Paolo na hinahabol ng babae. Produced ito ng MAVX Productions. Directed by RC delos Reyes at kasama sa cast sina John Arcilla, Gian Magdangal, Khalil Ramos, Jett Pangan, Jon Santos, at iba pa.

Diwata, inuulan ng blessings

Sunud-sunod ang blessings na dumarating kay Diwata dahil kasunod ng bagong kotse na bigay sa kanya, binigyan at pinadalhan naman siya ni Vice Ganda ng mga bagong upuan, mesa at tent na magagamit sa kanyang paresan lalo na at dumarami pa ang mga kumakain. Araw-araw ngang may pila sa kanyang paresan at pati yung paresan sa tapat ni Diwata, pinipilahan na rin.

Nitong huli, bahay, pangkabuhayan products, at P1M pesos naman ang natanggap niya mula kay Rosmar Tan.

Umabot daw sa P5 million ang total sum ng ibinigay ni Rosmar dahil ‘yung pangkabuhayan showcase, one million din ang halaga. ‘Yung bahay ay worth P1M din. Binigyan pa ni Rosmar ng mamahaling aso at lifetime support ng dog food si Diwata dahil nalamang pet lover ito.

Sa video, makikitang nagkaiyakan sina Rosmar at Diwata at siguradong may mga susunod pang maghahandog ng regalo kay Diwata. Talagang mababago na ang buhay nito at ang maganda sa kanya, he is paying forward. Ang dami niyang natutulungan na kasama niya sa kanyang paresan.

Donita, nagpabanat ng mukha

Kahit ang magandang si Donita Rose, nagpa-face lift na rin at inamin niya ito sa kanyang YouTube channel. May ginawa siyang indie film at nang mapanood ang sarili sa screen, nakitang iba na ang kanyang mukha. “It was the first time I noticed my aging. I did a face lift. Yes, you can say what you want to say about it. Some people say natural beauty is better but you know what, people just want to enhance that beauty or whatever features that is that makes them feel good about themselves,” sabi ni Donita.

Dagdag pa ni Donita, “My face started to sag. Because I did an indie film, which I could see on screen, my face looked different, and it was the first time I noticed my aging.” Binanggit ni Donita na ang procedure ay ginawa ng team kasama ang sister-in-law niyang si Sheryl Palad na sister ng husband niya.

vuukle comment

YEN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with