^

Pang Movies

Carmina, naiyak sa ginawa ni Mavy

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Carmina, naiyak sa ginawa ni Mavy
Carmina Villarroel

Muling naging emotional si Carmina Villarroel sa programa niya na Sarap, ‘Di Ba? dahil sa ibinigay na Mother’s Day greeting ni Mavy Legaspi.

Nagsimula ang mensahe ni Mavy sa kanyang pasasalamat sa inang si Carmina. Sinabi rin ni Mavy na hindi kailangang sumagot ang kanyang ina sa mga binabato na mga negative comments dito dahil hindi raw nila kailangang lumaban pa.

“ Di na kailangan magsalita, ‘di na kailangan i-justify or fight the criticism. Lahat ng criticisms or hate kasi wala ‘yun, bored lang sila sa buhay nila. At the end of the day, I know in their hearts kahit may criticism whatsoever, they all have their own mothers that they love. We don’t need to fight back.

“I’m very thankful to have a mother figure like you kasi nata-transfer ‘yun sa amin ni Cass. I guess itong turn of events naging malaking blessing para sa akin to realize a lot of things.

“It looks like na hindi tayo lumalaban, we dont need to, kasi ‘yung biggest the strength that you have is deep inside there na. Hindi nakikita ng mga tao.

“’Yung mga nakikita ng mga tao is posts, mga comments, interviews, and all that. Pero hindi nila nakikita ang ano’ng laman ng puso ni mama and that’s my biggest blessing kaya happy mother’s day.”

Xian, pinag-aralan ang Thai mythology

Habang wala pang bagong teleserye si Xian Lim, nasa Thailand ito at pinagkakaabalahan ang pagdirek niya ng isang horror film under Viva Films titled Kuman Thong.

Ayon kay Xian, ang Kuman Thong ay base sa isang Thai mythology tungkol sa stillborn fetus na pinaniniwalaang naghahatid ng swerte at proteksyon kapag inalagaang mabuti. Para raw itong Thai version ng pelikulang Tiyanak.

“It’s more of, back in the old days, ‘yung women na nanganak tapos walang buhay ‘yung baby, the monks would pray for the dead fetus and the spirits of the dead child around would inhabit that fetus. They would burn it, put gold leaf, which is Kuman Thong golden boy, ‘yun ang ibig sabihin n’ya,” sey ni Xian na noong March pa nagsimula sa post-production ng project.

Kasama rin ni Xian Lim sa ginagawang pelikula ang girlfriend at Viva Films senior associate producer na si Iris Lee.

Kasama rin sa cast sina Cindy Miranda and Thai actor Max Nattapol Diloknawarit.

Britney, Isinuplong ng nanay na nagwala sa hotel

Maraming malapit kay Britney Spears ang worried dahil baka raw maulit ang naging meltdown nito noong 2007 after ma-settle ang divorce nito sa ex-husband na si Sam Asghari.

Kung matatandaan ay nagpakalbo noon si Britney at nagwala isang gas station. Nag-breakdown ang singer dahil sa ex-husband niya noon na si Kevin Federline.

Halos ganito raw ang nangyari ulit sa 42-year old former Teen Pop Queen nang magkagulo sa Chateau Marmont kamakailan kasama ang current boyfriend niyang si Paul Richard Soliz.

Ayon sa LAPD, nakatanggap sila ng tawag around 10:30 PM dahil may babaeng nagwawala sa hotel. La­sing daw ito at nakipagbardagulan sa kasamang lalaki.

Nakita on the scene si Britney na takip lang sa hubad nitong katawan ay unan at kumot. Sugatan din daw ito sa paa niya.

vuukle comment

CARMINA VILLARROEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with