^

Pang Movies

Lea, naalarma sa mali-maling grammar!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lea, naalarma sa mali-maling grammar!
Lea Salonga

Nagbigay ng babala ang theater actress/singer na si Lea Salonga sa publiko hinggil sa mga pekeng social media accounts na ginagamit ang kanyang pangalan.

Sa kanyang Instagram Story ay nilinaw ng Broadway star na isa lang ang kanyang IG account.

“Just a friendly reminder that I have only one account here on Instagram, and it’s verified. If you see anyone claiming to be me, report them,” pahayag ni Lea.

Ang ikinaloka pa niya ay mali-mali raw ang grammar at spelling ng mga nagpapanggap na siya. At isa nga rin itong pagpapatunay na hindi nga siya ang tunay na may-ari ng account. “The spelling and/or grammar will be the deadest of the dead giveaways. Thank you!” aniya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabahala si Lea sa kanyang mga fake accounts. Noong 2019 ay nagbigay na rin siya ng babala sa kanyang followers tungkol dito dahil nanghihingi pa ng pera ang kanyang posers. “It has come to my attention that someone has been using my name and profile picture to solicit money from my fans. I would never do that, ever. Not in a million years,” ang pahayag niya sa dating post.

“If you’ve ever received a message from someone using my name asking for money, report and block. Thank you,” aniya pa.

At tulad ngayon, pinuna rin niya noon ang maling grammar ng mga poser.

“By the way, I’ve seen a sampling of the messages. My God, talk about murder of the English language,” reklamo ni Lea.

Sa sobrang init..Sandara,wish na magkaroon ng Waterbomb Musicfest sa ‘Pinas

Nagtataka si Sandara Park kung bakit walang Waterbomb Music Festival sa Pilipinas lalo pa nga’t napakainit sa ating bansa.

Sa kanyang X account ay nagtanong ang K-pop idol na dating aktres sa ‘Pinas. Aniya, “bakit walang Waterbomb Philippines? Ang hot hot!!! Nga sa ‘Pinas.”

Ang Waterbomb Music Festival ay nagsimula sa South Korea noong 2015 at isinasagawa ito every summer sa nasabing bansa. It’s a musicfest na habang nagpe-perform ang mga K-pop artists and idols ay may mga showering of water na nagaganap sa buong crowd at maging sa performers.

Gumagamit sila ng malalakas na water cannons para basain ang buong paligid at maging ang audience ay may dala-dala ring water guns. Kaya kung dadalo ka sa nasabing festival, dapat ay handa kang mabasa.

Dahil nag-hit ang Waterbomb Music Festival sa Korea, mayroon na rin ito ngayon sa ibang bansa tulad ng Japan, Thailand, Dubai, Taipei, Hongkong, China, Vietnam, at Singapore. Pero ang Pilipinas ay wala pa as of now.

Aliw ang sagot ng mga netizens sa tanong ni Sandara kung bakit wala ito sa ‘Pinas.

“May krisis daw sa tubig ate, kailangan magti­pid,” sagot ng isang netizen.

“Oh!!!! I understand,” sagot naman ni Dara.

Sey naman ng isa pa, “Ati meron yung fiesta sa san juan na basaan joke hahahahahh.”

“Wala din kasing tubig hehe,” sabi naman ng isa pa.

Marami naman ang nag-suggest  na dapat ay magkaroon din tayo ng Waterbomb Music Fest lalo na sa klase ng weather natin.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with