^

Pang Movies

Maxene, nilantad na ang bagong karelasyon!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Aba nakakagulat may bago na palang boyfriend ngayon si Maxene Magalona na bagama’t hindi niya binanggit ang pangalan kasama niya sa pictures sa kanyang social media post, ibig sabihin inaamin na niya iyon sa publiko.

Hindi pa natatagalan ay naging kontrobersiyal din ang pakikipaghiwalay niya sa kanyang asawang si Rob Mananquil, pati na ang pag-alis niya sa kanilang conjugal home. Hindi maliwanag ang dahilan ng kanilang paghihiwalay maliban sa isang ispekulasyon na ayaw pa raw kasing magkaanak ni Maxene.

Pero tsismis lang naman ang lahat ng iyon. Wala namang naging opisyal na statement mula kay Maxene at mula rin kay Rob tungkol sa kanilang paghihiwalay. Mukha ngang gusto na nila parehong maghiwalay talaga.

Ngayon may boyfriend na si Maxene. Iyan naman ngayon ang babantayan ng publiko kung ano ang mangyayari.

Sunshine, nagka-injury sa kamay!

Nagkaroon ng hindi naman malubhang injury sa kanyang left wrist si Sunshine Cruz kaya hindi niya maituloy ang pagsasanay niya ng boxing sa Elorde Gym.

Wala namang kaaway na gustong sapakin si Sunshine, bahagi lamang iyon ng kanyang physical fitness. Ngayon tuloy pa rin naman ang pagsasanay niya sa gym, hindi nga lang kasing tindi ng pagsasanay sa boxing.

Kaya tingnan naman ninyo kung gaano kaganda ang hubog ng katawan ni Sunshine, at ganoon din naman ang ganda, hindi mo nga sasabihing nanay na siya ng tatlong anak na babae. Para lang siyang dalaginding pa kung titingnan sa ngayon.

Ate Vi, inuubos ang oras sa apo

Hind nagmamadali si Ate Vi (Vilma Santos) na muling gumawa ng pelikula. Kung iisipin ninyo, limang buwan na ang nakaraan pero hindi pa rin niya sinusundan ang pelikula niya bagama’t nakapila ang naghihintay sa kanyang gumawa ng pelikula. Marami rin kasing inaasikaso si Ate Vi. Bagama’t sinasabi niyang concentrated siya ngayon sa kanyang showbiz career na matagal niyang napabayaan, may iba pa rin naman siyang considerations.

Isa pa, mahahalata mong mukhang busy siya talaga sa kanyang apong si Peanut. Talaga naman kasing matagal nang pangarap ni Ate Vi ang magkaroon ng apo. Natural lang na maubos ang oras niya sa pakikipaglaro sa apo niya.

Pero sinasabi naman ni Ate Vi, kung ano man ang maitutulong niya para sa industriya ng pelikula ay handa niyang harapin iyon.

Ginagawa naman niya iyon. Nakikipagtulungan nga siya sa CCP na naglalayong maimulat ang mga kabataan sa katotohanang ang mga Pilipino ay nakagagawa rin naman ng mahusay na pelikula na dapat nilang tangkilikin.

vuukle comment

MAXENE MAGALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with