^

Pang Movies

Parokya... musical, may paalala sa theatergoers

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang libu-libong theatergoers ang dadagsa sa Newport Performing Arts Theater para tuklasin ang makulay na mundo ng Buruguduystunstugudunstuy: Ang Parokya ni Edgar Musical. Kaya naman binibigyan ng paalala ang lahat para mapaghandaan ang malaking sorpresa at masulit ang live theater experience rito.

Inaanyayahan ang mga manonood na dumating ng isang oras bago magsimula ang pagtatanghal. Ang latecomers ay kinakailangang maghintay para sa break upang makaupo.

Hindi naman papayagan ang mga manonood na magsuot ng tsinelas, sando o shorts.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagkuha ng mga litrato at video habang nagsisimula ang performance. Maaari lamang kumuha nito bago magsimula ang show o ‘di kaya’y ‘pag nakapag-final bow na ang cast. Mas mainam na patayin ang mga cell phone o ‘di kaya’y ilagay sa silent mode para maiwasang makaabala ng iba pang manonood at pati ng performers sa stage.

Hinihikayat din ang lahat na huwag sumabay sa pagkanta ng Parokya ni Edgar songs, bumulong,  mag-react o makipagkuwentuhan.

Inaanyayahan naman ang lahat na bumisita sa Bagsakan ng Merch booth kung saan maaaring bumili ng souvenir items.

Pinagbabawal din ang mga pagkain at inumin sa loob ng theater.

Ang mga batang edad 13 taong gulang pababa naman ay kinakailangang may kasamang legal guardian upang mag-sign ng waiver bago pumasok sa venue.

Available ang tickets sa lahat ng TicketWorld at SM Tickets outlets, HelixPay at Newport World Resorts Box Office: P5,525 (SVIP), P4,420 (VIP), P3,315 (GOLD), P2,210 (SILVER), and P1,105 (BRONZE). Kung may katanungan, maaaring tawagan ang Newport World Resorts National Sales Team via JhayR dela Cruz sa 0917 818 9847, Raf Sangco sa 0917 807 9387, James Rodriguez sa 0917 829 2173 at Paulo San Jose sa 0917 810 5031. Maaari ring bisitahin ang www.newportworldresorts.com/buruguduy-stun-stugudun-stuy.

vuukle comment

PAROKYA NI EDGAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with