^

Pang Movies

Sanya, mas pinili si Joshua kesa kay Alden

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sanya, mas pinili si Joshua kesa kay Alden
Sanya

Ang bongga naman ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na gustong makilala ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Nang papiliin siya ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda kina Alden Richards at Joshua ay nahirapan siyang mamili pero sa huli ay pinili niya si Joshua.

Pero may dahilan pala kaya ito ang pinili niya.

Kuwento niya, “Kasi si Joshua parang nung una ko siyang nakita sa Unbreak My Heart nila sa isang mall, very genuine and parang kinausap niya ako, parang kasama niya ‘yung mga relative niya na (sabi niya)’Pwede pong magpa-picture?”

Ito pa raw ang lumapit sa kanya upang magtanong kung pwedeng magpakuha ng litrato kay Sanya ang pamilya nito.

Kaya pakiramdam daw niya ay magiging okey sila ‘pag nagkasama at mukha raw hindi sila magkakaroon ng dull moments.

Hindi malabong magkaroon ng proyekto ang dalawa lalo na ngayong wala nang network war at patuloy na nagco-collab ang ABS-CBN at GMA.

Magkaroon kaya sila ng proyekto na magkasama? Siguradong aabangan ito ng fans dahil mukhang bagay naman sila at parehong magaling.

Kasalukuyang walang karelasyon ang kapatid ni Jak Roberto at inaming handa na raw siyang magkaroon ng jowa habang si Joshua naman ay mas pinipiling gawing pribado ang relasyon sa Filipino-French golfer na si Emilienne Vigier.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with