^

Pang Movies

American singer Angela Bofill, namaalam na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
American singer Angela Bofill, namaalam na
Angela Bofill at Sharon Cuneta

Sa totoo lang, nalungkot kami nang mabalitaan naming pumanaw na ang American singer na si Angela Bofill noong Huwebes ng umaga sa tahanan ng kanyang anak na babae sa Vallejo California.

Si Angela ang paborito namin noong kanyang panahon at ang kanta niyang This Time I’ll Be Sweeter ang isa sa pinakagusto namin. Actually kaya namin napansin nang husto si Sharon Cuneta noon dahil naka-duet niya si Angela at kinanta nila ang hit song na This Time I’ll Be Sweeter nang mapunta sa Pilipinas ang superstar singer.

Ang duet nila ni Sharon ay nakatulong nang  malaki para umangat ang Megastar lumawak kasi ang kanyang audience dahil iyong mga pihikan sa musika na fans ni Bofill ay nakuha na rin niya dahil sa ginawa nilang duet.

Tumigil si Angela sa pagkanta nang ma-stroke noong 2006 na naulit pa noong 2007. Matagal na siyang hinahanap ng audience, pero minabuti niyang manahimik.

Marami ang nakikiramay sa kanyang pagkamatay, kaya nga may kahabaan ang wake, alam naman kasi ninyo sa America, hindi gaya rito na may lamayan. Sa kanila may oras lamang ang pakikiramay, pero para mapagbigyan ang napakarami niyang fans, ang libing ay gaganapin sa June 28 sa St. Dominic Church.

Nawala na naman ang isang musical legend.

Arnold, trinaydor ng puso

Speaking of stroke, maayos na ang kalagayan ni Arnold Clavio na na-stroke rin matapos na maglaro ng golf. Mabuti at namalayan niya ang sama ng kanyang pakiramdam at sumugod siyang mag-isa sa ospital kung saan siya nilapatan ng pangunahing lunas matapos na makumpirma sa isang CT scan na siya ay na-stroke. Inilipat siya sa St. Luke’s kung saan may mas maganda at kumpletong facilities.

Talagang traydor iyang stroke.

Kaya basta may nararamdaman kayong hindi maganda, the best ang pumunta na sa ospital kung saan mabibigyan kayo ng tamang medical attention. Huwag kayong bumili at maniwala sa mga gamot na nakikita ninyo sa internet na ine-endorse ng isang doctor na espesyalista raw sa lahat na yata ng uri ng sakit. Hindi po totoo iyan at baka kayo ay mapahamak pa.

Ellen at Derek, patas na

Mukhang magkakaanak na namang muli si Ellen Adarna, ngayon naman ay sa mister niyang si Derek Ramsay. Bale iyan na ang ikalawang anak ni Ellen dahil may anak din siya kay John Lloyd Cruz.

Ikalawang anak din iyan ni Derek na may anak sa nauna niyang asawa. Patas na sila.

Pero mukhang maayos naman ang kanilang pagsasama, kaya ok na rin iyan.

vuukle comment

SHARON CUNETA

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with