^

Pang Movies

Comedy bar ni Vice, binigyan ng trabaho ang mga komedyante

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Comedy bar ni Vice, binigyan ng trabaho ang mga komedyante
Divine at Petite

Happy ang mga komedyanteng sina Petite at Divine Tetay dahil nagbabalik na muli ang mga comedy bar na nagsara nang magkaroon ng pandemic.

“Nagpapasalamat kami kasi parang bumabalik na siya ulit. Kasi nawalan po kami ng tahanan, Punchline and Laffline closed so until ‘yun nga pandemic happened. Now nagkakaroon na kami ng napupuwestuhan namin and soon mag-o-open yung isang bagong bahay ng komedya ang Vice Comedy Club,” pahayag ni Tetay. 

Ang Vice Comedy Club ay pagma-may-ari umano ni Vice Ganda. Bukod kay Vice, inihayag din ng dalawa ang kanilang mga idolo sa comedy bar gaya ni MC, isa sa tatlong Beks Battalion member at isa sa It’s Showtime co-host.

Enzo, nagpaliwanag sa pagpapa-sexy

Inamin ni Michelle Vito na may pagkakataong pinagbawalan niya noon ang kanyang nobyong si Enzo Pineda na magpa-sexy sa mga nakukuhang proyekto.

Pag-amin naman ni Enzo, may mga pagkakataong daring ang kanyang pagpapa-sexy at mayroon pang love scenes.

“‘Yung sexy na ‘yon was a bit daring than what we define as sexy. But probably I was very explorative that time as an actor. As an actor, you won’t consider yourself as an actor if hindi ka open sa mga ganu’ng klaseng roles or projects. At least you need to experience, for me, at least once. Because that’s what acting is all about, it’s all about exploring life,” ayon kay Enzo.

Ilan sa sexy projects na ginawa ni Enzo ang Cinemalaya 2019 film na Malamaya, kung saan kasama niya si Sunshine Cruz.

Taong 2020 nang kumpirmahin ni Enzo ang relasyon niya kay Michelle.

vuukle comment

ENZO PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with