^

Pang Movies

Jillian, takot na ulit mamili ng marami sa Japan

SO CHISMIS ITOH - Ruel Mendoza - Pang-masa

Magiging maingat na raw si Jillian Ward sa kanyang pamimili sa Japan dahil ayaw niyang maulit ‘yung nangyaring insidente sa airport kung saan pinabukas ang maleta niya na puno ng mga binili niyang makeup.

Sumobra raw sa bigat ang maleta niya at tinanong pa raw siya kung magbebenta ba ito ng makeup sa Pilipinas? “Sobra po kasing cute at magaganda ‘yung makeup sa pinuntahan naming cosmetics store sa Japan. Naparami po ‘yung bili ko kaya bumigat ‘yung maleta ko. Sinabi ko naman po na personal use ko po ‘yun mga binili ko. Para mabawasan, nilipat ko po ‘yung ibang dala ko sa bag ni Ken (Chan), sa bag ng handler ko at sa bag ni mama. Promise, ‘di na mauulit ‘yung experience na iyon sa airport!” tawa pa ng bida ng Abot-Kamay Na Pangarap.

Babalik ulit siya sa Japan kasama sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan, Bianca Umali, Ruru Madrid at Betong Sumaya para sa Sparkle World Tour 2024. Mag-show sila sa ating mga kababayan on Sept. 1 at Hikarigaoka Park, Nerima City, Tokyo, Japan.

Sparkle artist, emosyonal sa widows’…

Masuwerte ang Sparkle artist na si Matthew Uy dahil hindi na niya kailangan pang mag-audition para mapasama sa cast ng Widows’ War. Ginagampanan ni Matthew ang role bilang Edward na kapatid ni George played by Carla Abellana.

‘Di mapigilan ni Matthew na maging emotional noong mapanood niya ang mga eksena niya sa mag-uumpisang teleserye.

“Sobrang saya ko lang po kasi bata pa lang ako, napapanood ko na sina Miss Carla, Miss Jean (Garcia) at Miss Bea (Alonzo). ‘Di ko inakala na one day makakasama ko sila sa isang teleserye na kasing laki nitong Widows’ War. Masayang-masaya rin ‘yung mom ko kasi ‘di rin siya makapaniwala na artista na ako,” sey ni Matthew.

Una siyang napansin sa summer campaign ng Sparkle na Boys Of Summer.

Anak ni Meryl Streep, nagladlad!

Nag-out ang anak ni Meryl Streep na si Louisa Jacobson na miyembro ito ng LGBTQIA+ community.

The 33-year-old Gilded Age star ay ginawang Instagram official ang kanyang relasyon sa girlfriend na si Anna Blundell na may caption na: “Blessed to be entering the Joyful New Era bb.”

Ginawa niya ang pag-out sa 75th birthday ni Meryl.

Si Louisa ay youngest daughter ng 3-time Oscar winner sa ex-husband na si Don Gummer.

vuukle comment

JILLIAN WARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with