^

Pang Movies

Igan, ‘di natakot mamatay

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Igan, �di natakot mamatay
Igan

Sa online interview ng Unang Hirit kay Arnold Clavio, nagbigay ito ng update tungkol sa kanyang kalusugan pagkatapos niyang magkaroon ng hemorrhagic stroke.

Mali nga raw yata na tinawag niya itong ‘road to recovery’ dahil marami pa siyang humps na pagdaraanan.

Kasama na nga roon ang rehab at therapy dahil nawalan nga ng koneksyon ang kanang bahagi ng katawan niya sa pumutok na parte ng utak niya.

Ngayon daw ay parang may pamamanhid at panghihina siyang nararamdaman kaya wala siyang balanse. Para nga raw siyang sanggol na naglalakad.

Dinetalye pa niya ang nakakatakot na naranasan noong gabing na-stroke siya.

Agad-agad nga siya noon dumiretso sa ospital at naasikaso naman agad siya ng mga doctor nang sabihin niya sa mga ito ang mga sintomas na naramdaman niya.

Doon na nga siya na-diagnose ng hemorrhagic stroke pagkatapos niyang sumailalim sa mga test.

Nang malaman daw niya ito ay nag-Google siya na pagkakamali naman niya.

Lumabas daw kasing dalawang araw na lamang ang itatagal niya.

Tinawagan pa raw niya ang misis niyang si Ina at pinaghanda ito dahil dalawang araw na lang daw siyang mabubuhay kaya pinagalitan siya nito.

Pero nang mga oras daw na iyon ay hindi na siya natakot mamatay. Handa na raw talaga siya at at peace na siya. Para raw nag-flashback lahat sa buhay niya at mukhang nagawa na niya ang lahat kaya wala na siyang mahihiling pa.

Kaya suwerte raw ni Igan dahil naramdaman niya ang milagro at hindi pa naapektuhan ang mukha, pananalita at boses niya na hindi gaya ng ibang stroke patients.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with