^

Pang Movies

Bea, tameme sa demanda ng dating driver

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bea, tameme sa demanda ng dating driver
Bea Alonzo

May sagot ang lawyer ni Bea Alonzo na si Atty. Joey Garcia sa reklamo ng former driver nito na si Efren delos Reyes sa Department of Labor and Employment na hindi siya binigyan ng sapat na sahod at benefits. Kasama pa sa sinampang kaso ng dating driver niya ang illegal dismissal, maltreatment, harassment at iba pa.

Sagot ni Atty. Garcia, “Mr (Efren) delos Reyes only served
as service driver of the family and only for a short period of three
months. He was not even assigned as Bea’s (Alonzo) personal driver, for her professional engagement,

“Thus, his claims seem farthest, unreasonable, if not unrealistic.

“It’s nothing but a pure harassment case, a despe­rate attempt to sponge off, an obvious act capitalizing on the criminal case.”

Hindi nagsasalita si Bea tungkol sa mga kasong isinampa niya at itong kaso na isinampa sa kanya. Hinahayaan nito ang kanyang lawyer na magsalita at nagpapaka-busy siya sa promo ng Widows’ War na premiere na this Monday. Ang daming ganap ng aktres, pinayuhan siya ni Carla Abellana na ‘wag kalimutan to take a rest na ginagawa naman nito.

Ang nabasa namin, galing sa agency ang nasabing driver at kung may isyu sa sweldo, dapat daw ang agency ang kausapin ng driver. Ang agency naman ang kakausap kay Bea.

Jennylyn, nagsusunog ng tulay?!

Hindi lang si Jennylyn Mercado ang big stars ng GMA Network na wala sa Station ID ng GMA Network, pero sa kanya nagkakaroon ng isyu. Dahil ito sa balitang lilipat siya sa ABS-CBN at ang balita pa nga, this July na siya pipirma ng kontrata sa ABS-CBN. Ibig bang sabihin, nag-expire na ang kontrata niya?

Ang balita pa nga, ang gagawin niyang teleserye sa ABS-CBN ay project the the late Deo Endrinal for her. Ngayon lang siya may chance na gawin ang project dahil kaya sa pag-e-expire ng kontrata niya sa Kapuso Network?

Nauna na ngang pumirma sa Star Music si Jennylyn at sila ang magre-release ng bago niyang single. Kasunod na raw niya ang pagpirma niya sa ABS-CBN.

May Kapuso fans na okay sa kanila sakaling lumipat nga siya sa ABS-CBN. Ang payo lang nila sa misis ni Dennis Trillo, “don’t burn bridges” para kung gustuhin niyang bumalik sa GMA Network, magiging madali.

Jessy, kumpirmado na ang pagpapaka-active!

Si Jessy Mendiola pala ang na-blind item na babalik sa Star Magic at kasunod nito, babalik na rin siya sa ABS-CBN. Siguro naman may go signal kay Luis Manzano ang muling pag-a-active sa showbiz ni Jessy.

Saka, malaki na ang panganay nilang si Peanut, puwede nang iwan kay Luis at sa yaya nito. Sayang ang face card niya kung hindi mapapanood, also, may mga offer naman siya na puwede niyang gawin.

Excited na ang fans niya sa magiging comeback project niya sa ABS-CBN at sana raw, drama para maipakita nito ang acting talent niya.

Samantala, proud mom si Jessy sa early age, nahihilig sa books si Peanut. Sa kanyang edad, bookworm na raw ang bagets, gaya sa kanya. Kaya pati si Luis, natutuwa. Napa-comment ito ng “Haaaay our little heart” sa post ni Jessy na may hawak na children’s book si Peanut.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with