^

Pang Movies

Beteranong writer/director na si Manny Castañeda, sumakabilang buhay na rin

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Beteranong writer/director na si Manny Castañeda, sumakabilang buhay na rin
Manny Castañeda

Tuluyan nang namaalam ang actor-comedian, writer-director at dating college professor na si Manuel `Manny’ Castañeda na sumakabilang-buhay sa unang araw ng Hulyo base sa post ng kanyang BFF, ang Chairman-CEO ng Film Development Council (FDCP), ang writer-director at isa ring professor na si Jose Javier Reyes.

Wala pa kaming nakukuhang detalye sa pagkamatay ng actor-comedian, writer at director na si Manny na nagsimula sa showbiz bilang actor sa pelikulang Aliw nung 1979

Nakagawa siya ng almost 86 movies and TV series at kasama na rito ang Oro Plata Mata, Relasyon, Kailan Luluhod ang mga Tala, Sana’y Wala Nang Wakas, Darna, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Loreta, Nag-iisang Ikaw, Nang Iniwan Mo Ako, Scorpio Nights, Pedro Penduko II, Pinay Pie, Sakal, Sakali, Saklolo at iba pa.

Bilang director naman ay pinamahalaan niya ang Shame nung 2000, April, May, June nung 1998, May Isang Pamilya nung 1999, Sa Kabilugan ng Buwan nung 1997, Kailan Man nung 1994, “Guwapings Dos nung 1993 at iba pa.

Ayon kay Direk Joey Javier Reyes, 61 years umano silang mag-best friends ni Manny Castañeda na nagsimula pa sa kanilang elementary grades.

LDR, hindi tumagal kina Mark at Kris

Sa totoo lang Salve A., parang alam na namin na hindi talaga magtatagal ang relasyon nina Kris Aquino at Batangas Vice-Governor Mark Leviste due to distance.

Nasa Pilipinas si VG Mark habang mahigit dalawang taon na ring nasa Amerika si Kris na patuloy na nagpapagamot sa kanyang autoimmune system illness.

Makailang beses na ring nagpabalik-balik ng Batangas at Amerika si VG Mark para lamang madalaw ang babaeng kanyang nililiyag pero hindi ito madali para sa dalawa. Mas gusto siyempre na kasama niya si VG Mark nang mas matagal na hindi naman posible dahil meron siyang sinumpaang tungkulin bilang vice-governor ng Batangas. The most na puwede siyang mag-stay ay two weeks hanggang isang buwan.

Ipinakita ni VG Mark ang tunay niyang pagpapahalaga kay Kris maging sa dalawa nitong anak na sina Joshua at Bimby maging ng ina at mga anak mismo ng bise-gobernador. Pero sa kabila nito ay tila kulang pa rin at sadya nga yatang hindi swak ang dalawa.

Randy, isang taon ding nakarelasyon si Maricel

Hindi ikinakaila ng Babaero hit singer na si Randy Santiago na naging ka­sintahan umano niya noon ang Diamond Star na si Maricel Soriano na nagsimula nang magtambal ang dalawa sa Taray at Teroy movie na pinamahalaan ng namayapang amang director ni Randy na si Direk Pablo Santiago under Regal Films (na Regal entertainment na ngayon) nung 1988.  Tumagal din umano ng halos isang taon ang kanilang relasyon bago nauwi rin ito sa hiwalayan.  Pero ang maganda kina Maricel at Randy ay nanatili silang magkaibigan hanggang ngayon.

Si Randy ang itinuturong first boyfriend ng Concert Queen na si Pops Fernandez pero that was when they were both in their teens.

“Actually, ni hindi ko nga nahawakan man lang ang kamay ni Pops at never kaming nag-date,” kuwento pa ni Randy na hanggang telepono lamang daw sila.

“Parating nakabantay noon kay Pops si Lola Naty (Pops late grandmother) kaya walang chance na makapag-date kami,” natatawa pang kuwento ng nakatatandang kapatid nina Rowell Santiago at Raymart Santiago.

Tulad ni Marya (Maricel Soriano) ay magkaibigan din sina Randy at Pops hanggang ngayon. Si Rowell Santiago ang naka-loveteam noon ni Pops.

vuukle comment

MANNY CASTAñEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with