^

Pang Movies

Suki, panalo sa hindi straight news!

Pang-masa
Suki, panalo sa hindi straight news!

MANILA, Philippines — Mga makabuluhang kaalaman, maiinit na balita, at serbisyong pampubliko ang hatid ng daily news ma­gazine show ng GMA Public Affairs na Dapat Alam Mo! sa viewers at netizens na pinangungunahan nina Susan Enriquez at Kim “Kuya Kim” Atienza, na mapapanood  weekdays, 5:30 p.m. sa GTV.

Mula nang ilunsad ito noong 2021, ipinapakita nito hindi lamang ang latest news kundi nagbibigay rin ito ng impormasyon at aliw sa mga manonood.

Itinanghal naman ito sa 2023 Asian Academy Creative Awards bilang National Winner sa Best Single News Story category sa pagtampok sa Itaewon Tragedy ng South Korea.

Patuloy rin ang pag-angat nito online dahil patuloy na nadadagdagan ang official Facebook page nito na meron nang mahigit 800,00 followers habang sinusulat namin ito. Habang sa TikTok naman ay meron na itong 2.5 million likes at humigit-kumulang 150,000 followers.

Nagbahagi naman ng kanilang saloobin ang hosts na sina Susan at Kuya Kim o kilalang SuKi sa tagumpay ng programa.

“Bukod sa naghahatid tayo ng mga balita at impormasyon, nae-entertain ka pa dahil naglalagay tayo ng mga portion or segment na (nakaka-relate) ang ating mga viewers, bata man o matanda,” sey ni Susan.

“Ang Dapat Alam Mo! ay informative yet entertaining,’’ bahagi ni Kuya Kim. “‘Madali kasi ‘yung informative eh, pwede tayo mag-straight news. Ngunit, papanoorin ba (ng lahat)? Ang Dapat Alam Mo!, habang natututo ka ay naaaliw ka, nalilibang ka. At (ito ay) very diverse, it’s not just a straight news show or infotainment show, it’s actually a magazine show. So bukod sa mga hard news na nakikita natin sa mga features natin, meron pa tayong mga guests… A lot of things are outside the box. Kumbaga, hindi expected at ‘pag napanood mo rito, maaaliw ka at matututo ka – ‘yun ang maganda rito,” dagdag pa niya.

KIM ATIENZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with