^

Pang Movies

Maymay, nakapagpaaral ng mga pinsan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maymay, nakapagpaaral ng mga pinsan
Maymay at pinsan

Ang bongga naman ng Kapamilya singer-actress na si Maymay Entrata na nakapagpa-graduate na ng kanyang pinsan.

Nagpasalamat siya sa pinsan dahil hindi nito sinayang ang pagsisikap niya sa trabaho para mapag-aral niya ang mga ito.

Hiniling niya raw kasi sa tatlo niyang pinsan nine years ago na kung maaaring sila ang mag-break ng cycle ng mga hindi nakapagtapos sa university sa pamilya nila.

Lagi naman daw tinatanong ng kanyang pinsan na napagtapos niya na kung ano ang sukli sa pagpapaaral niya sa mga ito pero wala raw itong obligasyon na suklian ang tulong niya.

Mahal na mahal daw kasi niya ang mga ito nang walang kapalit at makita lamang niya ang mga ito na natupad ang mga pangarap nila at kayanin na ng mga itong tumayo sa sarili nilang mga paa ay sapat na at sobra pa sa kayamanan na meron sa mundo.

Nagpasalamat pa siya roon na tinupad nito ang pangarap nito na pangarap din niya.

Isa raw talaga itong napakalaking biyaya at achievement sa buhay niya.

Samantala, maaalalang ilang taon nga ang nakararaan ay nagpunta siya sa Canada para mag-aral at nagkaroon din ito ng karelasyong foreigner na si Aaron Haskell na ex niya na ngayon.

Kaya naman tanong ng netizens ano na nga ba ang ginagawa ni Maymay ngayon?

Sinaluduhan naman ang Amakabogera singer ng fans dahil sa ginawa nitong pagpapaaral sa kanyang pinsan dahil hindi ito biro na pag-aralin at patapusin sa pag-aaral ang kamag-anak.

Ito raw ang naging instrumento para mapagtapos ang kanyang mga pinsan.

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with