^

Pang Movies

Mega, excited sa kanyang pagbabalik-serye!

Pang-masa
Mega, excited sa kanyang pagbabalik-serye!
Sharon Cuneta
Sharon Cuneta Viva / Released

MANILA, Philippines — Muling mapapanood sa isang Kapamilya teleserye ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta matapos itong ianunsyo ng ABS-CBN kahapon (Hulyo 3).

Bongga ang pagsalubong kay Mega dahil nagkaroon ng red carpet welcome sa ABS-CBN kasama sina ABS-CBN COO na si Cory Vidanes at Entertainment Production head na si Laurenti Dyogi at Dreamscape Entertainment heads na sina Kylie Manalo-Balagtas at Rondel Lindayag.

Bagama’t wala pang ibang detalye tungkol sa gagawing teleserye ni Mega, ibinahagi nito na excited na siyang sumabak muli sa set matapos ang kanyang pansamantalang pamamahinga sa acting.

“Kaya po ako nandito kasi may bago akong sorpresa sa inyo. I wouldn’t say there’s more pressure. I would say there’s more desire. Who wants to be anywhere else but home?” sabi ni Sharon sa isang video na inilabas ng ABS-CBN.

Ang inaabangang teleserye comeback ni Mega ang magsisilbing pangalawa niyang Kapamilya teleserye matapos niyang maging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano noong 2021. Ang ginampanan niyang papel bilang Aurora sa hit action series ang isa sa mga pinag-usapang sorpresa ng mga manonood.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with