^

Pang Movies

Assunta, ‘di na desperada sa showbiz!

Pang-masa
Assunta, �di na desperada sa showbiz!
Assunta

MANILA, Philippines — Ang saya ng buhay ni Assunta de Rossi. Kumbaga money is not an issue with her.

Certified haciendera na si Assunta, as in donyang-donya. “Yes. Ganun na nga.”

So ‘pag pumunta kami sa Negros lahat nang makikita namin, sa inyo na? “Basta pag-aari namin, oo. Yeah.”

Anong feeling ng isang Donya, ‘yung literal na haciendera? “Wala, normal lang. I’m as normal as anyone can be.”

Gaano kayo kadalas sa Negros? “Hindi na masyado dahil… since pandemic unless kailangan talaga.”

Nagpoprodyus pa kayo ng asukal? “Ano na kami… iba-iba na. Aside from supplying sugarcanes, nagbebenta rin, real estate. May mga nagre-ent, may mga bumibili ng lupa sa amin, so iba-iba na talaga siya.”

So never ka nang babalik sa showbiz?

“Hindi ko siya priority at this point.”

Hindi mo siya kailangan? “Anyone who says hindi niya kailangan would be lying pero sabihin natin hindi naman kami desperate. We’re okay. Kumbaga gagawin ko na lang siya as a passion, ‘di ba. Hindi siya dahil dala ng pangangailangan. Nami-miss ko din pero my kid is my priority.”

Bukod nga sa mga negosyo, abala rin siya sa pagiging ina sa only daughter nila ni former congressman Jules Ledesma na pilya raw.

Ano ‘yung pinaka-worst niya (anak) kumbaga? “Wala, malikot lang talaga siya. Pinapagod niya kaming lahat.”

Pero sa pagkain? “Lahat kinakain niya. Sinanay ko talaga siya na ever since mag-start siya ng solids. Sinanay ko na kung ano ‘yung lulutuin ng cook namin, ganon din ang kakainin niya so hindi siya picky eater.”

So hindi siya mahilig sa mga unhealthy food?

“Bihira, bihirang-bihira kasi ako rin mismo but she does like mga junk food, mga sweet, sige, fine, bata. Kami ganon din naman noon pero binabawi din kasi sa proper meal. When it’s lunch time, dinner time, proper meal talaga ‘yung kinakain niya. So kung ano ‘yung lulutuin ng cook namin, lahat kami ‘yun ‘yung kakainin namin including her.”

Tutok siya sa pagiging mommy.

“Mas mommy’s girl siya. Pero pagka nami-miss niya, busy din naman si Jules, pagka gusto niyang makita ‘yung daddy niya, siya ‘yung magsasabi sa akin na she wants to go to the room or pupunta sa office tapos pa-cute siya nang pa-cute sa daddy niya.”

Anyway, naka-chika namin si Assunta sa trade launch ng Rampa Drag Club. Kabilang nga siya sa maraming guest artists last Thursday sa Rampa na kasama si RS Francisco.

Sparkle artists, aligaga na sa gala 2024

Matapos ang successful GMA Gala last year, muling pinaghahandaan ng Kapuso stars ang GMA Gala 2024 ngayong July.

Sa Instagram page ng Sparkle GMA Artist Center, makikita ang preparations at countdown para sa nalalapit na GMA Gala Night. 

Handang-handa na ang gowns nina Sparkle artists Pokwang designed by Ushi Satoa and styled by Gian Carlo Laxamana, Elijah Alejo designed by Jhobes Estrella and stylist Regi Cruz, Rere Madrid designed by Neric Beltran and styled by Kendall Espiritu, at Chef Ylyt designed by Jhay Layson.

Nag-fitting na rin ng kanilang mga tuxedo sina Sparkle artists Kelvin Miranda, designed by Paul Cabral and his stylist Ton Lao, Jak Roberto by designer Jhobes Estrella and styled by Regi Cruz, Allen Ansay by designer Francis Libiran, at Anjay Anson designed by Anthony Ramirez.

Todo-abang na nga ang fans at netizens sa final look ng favorite Kapuso stars nila sa much awaited event na ito.

AMBS, mamimigay ng house and lot!

Ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ay naglunsad ngayong Lunes (July 1, 2024) ng Panalo Sa ALLTV promo para sa mas exciting ang panonood ng viewers nito.

Ang AMBS, na nag-o-operate ng ALLTV, ay mamimigay ng bahat at lupa mula sa Vista Land kada Linggo mula July 1 hanggang Aug. 26, 2024, habang P500 each ang naghihintay sa 20 lucky winners araw-araw.

Simula Lunes, hinihikayat ang mga manood na i-scan ang QR code na mag-flash sa mga program ng ALLTV, at hanapin ang word/s for the day na ipapakita mula sa pagbukas ng mga programa simula 12 noon hanggang 11:15 p.m. Kinakailangan ding mag-selfie ang mga nais sumali.

Para sa mas detalyadong mechanics, magpunta sa www.alltv.com. Mapapanood sa ALLTV ang pinakamatagal nag TV news show na TV Patrol, at ang pinakasikat na variety show, It’s Showtime!

Mapapanood din sa ALLTV ang classic programs ng ABS-CBN na nasa Jeepney TV. Ang ALLTV ay mapapanood sa Channel 2 (Free TV at Planet Cable); Channel 35 (Cignal and Skycable- provincial areas); Channel 13 (Skycable in Metro Manila) at Channel 2 (for Sinag, Cablelink, GSAT and other cable TV).

vuukle comment

ASSUNTA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with