^

Pang Movies

Malapit nang umuwi… Kris, Ph-based doctor ang bagong karelasyon!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Malapit nang umuwi� Kris, Ph-based doctor ang bagong karelasyon!
Kris Aquino at Bimby

Inanunsyo ni Kris Aquino na binabalak na niyang umuwi ng Pilipinas bago matapos ang taong 2024. Ito ay kung magiging maganda ang resulta ng huling medical procedure na gagawin sa kanya sa Amerika.

Ibinahagi ng Queen of All Media ang latest update sa kanyang kalusugan sa face-to-face interview niya kay Ogie Diaz sa kanyang bahay sa Orange County, California.

Ang naturang interview ay in-upload ni Ogie sa kanyang vlog nitong nakaraang Sabado.

“I can reveal to everybody na hopefully, sa last quarter ng taon, bago mag-Pasko, I’ll be back in the Philippines,” ang deklara ni Tetay.

Pero bago siya makabalik ay may pagdadaanan daw muna siyang tests at isa na rito ang MRI with contrast dye. Aniya ay may fear daw siya dahil 2019 pa nang huling sumailalim siya sa procedure na ito.

“Eh ang mga allergy, nag-e-evolve. Pero in-assure naman ako na kaya ko daw kasi kung na-survive ko ‘yun, bago kami umalis ng Pilipinas, so that would be 2022, nakapag-pet scan na ako para malaman kung may cancer ka, clear ako do’n, and kinaya ko naman ‘yung in-inject sa akin nung panahon na ‘yun.

“So, eto ngayon, it’s very similar daw ‘yung i-inject sa ‘yo, ang makikita, magla-light ‘yan sa screen, kung may mga blockage ‘yung mga vessels.

“And if I clear that at kinaya, then, pwede nang ituloy sa Pilipinas ‘yung treatment sa ‘kin,” pahayag ni Kris.

Pero mahaba pa rin daw ang proseso ng gamutan dahil kailangan pa rin niyang ituloy ang kanyang medication.

“So, kung umuwi ako, it could mean na another 1 year and a half to 2 years na ‘yung gamot, kailangang patuloy that I’m taking it. So, mahaba pa ‘to talaga,” aniya.

Sa nasabing panayam, Kris also revealed na may bago na siyang pag-ibig at talagang wala na sila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste since February of this year.

“Yes, definitely, walang balikan na mangyayari,” pagkumpirma niya.

Ayon kay Kris, nagsimula raw ang pagkakalabuan nila ni VG Mark noong November, 2023 at sinubukan naman daw niya itong ayusin.

“Pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto. Pero ayoko nang magsabi pa ng more than that because part of the reason why it did not work out was I’m at the stage in my life na mas gusto ko nang tahimik,” she revealed.

Tumatak daw sa kanya ang sinabi ni Bimby na “mama, I don’t think you really love him. I think you’re just sad.”

Na-realize raw niya na tama ang sinabi ni Bimby.

“We both tried but I think, tama ‘yung sinabi ni Bimb also and I’d like to say na we’re still friendly pero at a distance na,” sey ni Kris.

“I wish him the best and I’m sure he also wishes me well but I wanted to clarify lang kasi people might have the wrong impression,” saad pa niya.

Nakiusap din si Kris na sana ay matigil na ang isyu sa kanila ni VG Mark dahil matagal na silang wala at naka-move on na siya.

“So, sana, tumigil na. And huwag na lang siyang tanungin din kung kamusta ‘ko kasi hindi naman niya alam kung kamusta na ako talaga. Kasi, wala nang communication apart from ‘thank you, God bless,’” she said.

Kaugnay nito, ini-reveal na rin ni Kris na ang bago niyang boyfriend ay isang doktor.

“It just flowed, nangyari. He’s a doctor and I think he’s part of the reason why it was easy. Kasi alam n’ya kung anong pinagdadaanan ko and he’s part of the reason why I’m confident na pwede akong umuwi. Kasi alam ko na there’s someone who will help in taking care of me.

“So obviously, by saying that, alam na nila that he’s a doctor based in the Philippines,” pag-amin ni Kris.

When asked kung saan sa Pinas, sabi ni Kris, “Makati.”

Pero kaagad ding nilinaw ni Kris na wala na sila ni VG Mark nang pumasok sa buhay niya ang doktor at matagal naman daw ang pagitan.

“May malaking gap naman. Hindi sila nagkasabay. At hindi siya ang dahilan kung bakit. Walang overlap at hindi siya ‘yung dahilan kung bakit hindi kami naging okay,” paglilinaw niya.

 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with