^

Pang Movies

Juliana, tinatapat kay Atasha!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Juliana, tinatapat kay Atasha!
Juliana Gomez

Ga-graduate na sa college si Juliana Gomez, ang magandang anak nina Congressman Richard Gomez at Mayor Lucy Torres Gomez at siya ay sinasabing magtatapos ng kolehiyo bilang isang cum laude.

Bukod doon ang isa pang bagong balita ay lalabas nga ba si Juliana bilang co-host ni Willie Revillame sa kanyang game show sa TV5?

Sinasabi ngang kung noong una ay sinasabing nakatuklas ang Eat Bulaga ng isang bagong star na mahirap labanan, at walang makakalaban, si Atasha Muhlach, ngayon mukhang mayroon na siyang ka-match, si Juliana Gomez.

Hindi naman natin maikakaila na noong araw pa ay marami na ang nag-aabang kay Juliana, at may fans na rin siya dahil sa kanyang sports. Siya ay naging varsity ng UP sa volleyball bukod sa naging champion siya sa fencing sa Asia. At dahil na rin siyempre sa kanyang ganda, marami na siyang fans, at kung sasabak na siya ngayon sa telebisyon one click lamang at lalong dadami ang kanyang fans.

Samantalang si Atasha ay bago lamang pero mabilis ngang napansin ng publiko. Kilala rin naman ang Eat Bulaga sa kakayahan nilang mag-build up ng bagong stars at ang sinasabi nga ng marami ay si Atasha na iyon at wala na siyang makakalaban pa pero ngayong biglang lumitaw si Juliana, may labanan na ang dalawang young TV stars.

Sino sa kanilang dalawa ang mas sisikat?

Carla, walang-wala nang koneksyon kay Tom

May nagtanong sa amin agad papaano raw sasabihin ni Carla Abellana na malaya na siya dahil sa divorce ng kasal nila ni Tom Rodriguez ganoong dito naman sila sa Pilipinas nagpakasal at hindi naman sa abroad. At sa ngayon naman ay malabo pa ang batas sa divorce sa Pilipinas?

Puwede at kinikilala nga ng Pilipinas ang divorce sa ibang bansa.

Marami nga lang ang naghihinayang. Isipin mo nga naman ilang taon din silang naging mag-syota at hindi pa man kasal ay parang mag-asawa na ang tingin ng mga tao sa kanila, tapos kung kailan sila nagpakasal, makalipas lamang ang ilang buwan ay naghiwalay na agad sila at nauwi pa nga sa divorce?

Pero sa totoo lang marami ang nalungkot, dahil may mga umaasa pa ring magkakabalikan pa ang dalawa kung makakapag-usap lamang nang maayos. Maging ang tatay ni Carla na si Rey Abellana, noong una pa ay nagsabing baka magkasundo pa rin ang dalawa. Pero may nagsasabi ring baka naman kaya nakipagdiborsiyo na si Tom ay para matigil na ang kung anu-anong hindi magandang usapan sa pagitan nila ni Carla.

Ate Vi, ‘di ambisyon ang national artist

“Nagpapasalamat ako and to be honest it humbled me,” sabi ng Star For All Seasons sa ginawang nomination sa kanya ng Aktor PH para maging Pambansang Alagad ng Sining.

“I know there were people campaigning for me, iyong mga fans ko pero hindi ko naman dinidibdib ang sinasabi nila, ganoon naman ako talaga eh. Hindi ako nag-aambisyon ng ganyan. Kung may dumating di sige, kung wala di wala. Palagay ko kasi hindi na mahalaga ang mga titles at awards sa ngayon. Ang mahalaga ay iyong nagugustuhan ka pa rin ng mga tao. Kagaya ko nga, sa loob ng anim na dekada hindi sila nagsawa sa akin,” sey pa ng nanay ni Luis Manzano.

“Iyang ginawa nilang iyan made me humble. It feels great but we should remember that we are smaller than other members of Aktor PH, lalo na iyong mga lumalaban para sa mga karapatan at kapakanan ng kapwa nila artista,” dagdag pa niya.

vuukle comment

JULIANA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with