^

Pang Movies

My Guardian...finale week na!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

Patuloy na tinatangkilik ng viewers ang GMA hit primetime series na My Guardian Alien na ngayon ay nasa finale week na.

Mula nang umere ito noong April 1, consistent pala ang mataas na ratings at positive feedback sa out-of-this-world at inspiring na kuwento ng serye. Komento ng ilang netizens sa GMA Network YouTube channel, “Wala akong masabi kundi magagaling silang lahat. Mabilis ang kuwento kasi walang paikot-ikot kaya maganda ang kinalabasan. ‘Yung mga kontrabida may pinaghuhugutan din hindi ‘yung ang babaw ng reason and alam ko naman na may character development sila.”

Kaya naman for sure, marami ang makaka-miss sa buong cast lalo na sa nakakakilig na tandem nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at bankable leading man Gabby Concepcion. “Gusto namin ‘yung ganito sobrang gaan panoorin, hindi nakaka-stress, at pwede sa buong pamilya. Sana may season 2!”

Sa nalalapit na pagtatapos ng My Guardian Alien, inaabangan na ng fans kung magkakaroon ba ng happy ending sina Grace (Marian) at Carlos (Gabby). Mabubuo pa kaya ang kanilang dream family kasama si Doy (Raphael Landicho) kung aalis din naman sa Earth ang kanilang most-loved alien?

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with