^

Pang Movies

Melai, may bagong korona na

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sakaling alukin siya ng Star Cinema bosses na magbida sa remake ng blockbuster movie na Ang Tanging Ina na nagkaroon pa ito ng part 2 (Ang Tanging Ina N’yong Lahat, 2008) at part 3, Ang Tanging Ina Mo Last na ‘To! (2010).

 Sa presscon kahapon ng bagong project ni Melai para sa Star Magic at ABS-CBN Studios, ang talk show na Kuan-On-One para sa mga kababayang Visaya, sinabi niyang game siya sa ideya.

Pero ang suggestion ng komedyana para iwas-intriga at tsismis, “Gawa na lang tayo ng sarili natin… Kuan Ng Ina, char! Char lang!”

 Samantala, excited na siya sa pagbabahagi ng iba’t ibang kuwento tungkol sa Visayan culture sa Kuan-On-One na magsisimula na sa July 2.

 Magiging special guest ni Melai sa first season ng show ang mga kapwa-Bisaya na sina Kim Chiu, Maymay Entrata, ­Sheryn Regis, Christian Bables, Jason Dy at ang dalawang BINI members na sina Aiah at Colet.

 Ayon pa sa TV host, isa pa sa mga layunin ng kanilang talk show ay ang maging tulay para sa pagkakaisa at pagkakaunawaan ng bawat rehiyon sa bansa.

 “Sobrang importante lalo na sa amin para mawala na ‘yung mga separation ng mga Bisaya, mga Tagalog, para in one na tayo.

 “Kasi marami na ring mga Bisaya, may mga radio station na nga rito na Bisaya dito sa Manila eh. Very important na maging isa tao at talagang nagmamahalan tayo,” sey ng komedyana.

 “Tapos na-appreciate nila ang Kuan-On-One show at si Direk Lauren (Dyogi), sobrang na-appreciate nila ang ABS-CBN dahil nag-effort talaga gumawa ng show para sa mga taga-Visayas at Mindanao para mas lalo sila ma-inspire,” giit pa ni Melai.

Nadine, nagmukhang hubo’t hubad

Nag-mukhang hubo’t hubad habang lumalangoy si Nadine Lustre sa kanyang post.

Kaya naman sabi ng ilang followers niya, nagmumukha silang inidoro.

Nahihirapan na rin daw silang gayahin ang mga post nito dahil nga malabo nilang ma-achieve ‘yun. Sabagay, lately ay pulos mga hindi pagpapa-cute ang post ni Nadine.

Hirap gayahin. Kaya nganga sila sa panggagaya,

Dimples, may pasabog!

Nabigla ang netizens sa pasabog na rebelasyon ng karakter ni Dimples Romana na si Tori - na isa pa lang kontrabida na balak sirain ang buhay ni Sky (Andrea Brillantes) sa High Street, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Habang misteryo pa rin ang totoong identidad ni Tori kina Sky at ng nanay nitong si Tania (Angel Aquino), itutuloy pa rin ni Tori ang bait-baitan niya pero sasagarin na niya ang masasama niyang plano laban kina Sky matapos mabulgar na si Tori pala ang mastermind sa likod ng pagtakas ng kriminal na si William (Mon Confiado).

Bagama’t hindi pa sigurado kung ano ang totoong relasyon nina Tori at William, ipinasilip na kung paano dahang-dahang gagawing miserable ni Tori ang buhay ni Sky sa tulong ng mga kasabwat niyang sina Wesley at Nikki (Harvey Bautista at AC Bonifacio). Sinimulan na nga ni Tori ang pagpapahirap kay Sky dahil siya rin ang nasa likod ng pagdukot sa kapatid nitong si Z (Daniela Stranner).

Mukhang mababaon din sa utang na loob si Tania kay Tori dahil hihiram si Brandon (Kean Cipriano), ang jowa ni Tania, ng malaking halaga ng pera mula kay Tori para mabayaran ang utang niya.

Mapapanood ang High Street gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

MELAI CANTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with