^

Pang Movies

Sanya, pinagtawanan ang break-up nina Barbie at Jak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sanya, pinagtawanan ang break-up nina Barbie at Jak
Sanya

Pinagtawanan lamang daw ni Sanya Lopez ang kumakalat na nag-split na sina Barbie Forteza at ang kapatid niyang si Jak Ro­berto. May nagkakalat nga kasi na split na sina Barbie at Jak dahil ipapalabas na nga naman ang pelikula ni Barbie  at David Licauco at baka nga naman mas maging positibo ang resulta noon kung masasabing finally maaari nang masungkit ni David si Barbie.

Ano ang malay ninyo kung may fans din sina David at Barbie na nagtitirik ng kandilang itim na hugis tao sa labas ng simbahan ng Quiapo para kay Jak. Pero si Sanya ay nagtawa lang sa mga kuwento dahil hindi ba isang sangre siya at malakas ang kapangyarihan ng hawak niyang bato kaysa sa kandilang itim.

Hahaha.

Daniel, naging suki na sa mga concert sa probinsya

Sabi nila bakit panay na panay ang provincial shows ngayon ni Daniel Padilla. Kung saan-saan siyang probinsiya nagpe-perform kahit na sa mga outdoor stage lang. Dati kung mag-show si Daniel sa Araneta, tapos doon sa KIA Theater noong araw at punong-puno iyon kahit na mahal ang tickets.

Hindi ba kaya na-insecure pa sa kanya noon si Vice Ganda dahil mas napuno niya ang Araneta ganung hindi naman siya kilalang singer kaysa kay Vice na reyna ng mga comedy bars? Hindi man natin idiin sa ginagawa niya ngayong puro na lang siya provincial shows parang inaamin na niyang lumamig na ang kanyang career simula nang hiwalayan siya ni Kathryn Kaya nga ang sinasabi niyang natunog “P I, may kapiling na siyang iba.” Hindi bale nag-celebrate naman ng isang taon nang walang boyfriend si Andrea Brillantes simula nang iwanan ni Ricci  ­Rivero eh di sila na lang tutal inamin din naman niyang “walang kasalanan si Andrea pinunan lang niya ang hindi maibigay ni Kathryn.”

Eh ‘di mas ok nga iyon hindi lang one night stand, gawin na nilang all night long.

Charice kinontra ang ina

Ang nanay ni Charice Pempengco na si Racquel ang unang nagsabi na “gulatin mo ang mga tao mag-Charice Pempengco ka ulit” matapos ang viral video ni Stell Ajero na kinakanta ang All By Myself ni Celine Dion na noon ay ginagaya niya.

Isa pa, mapipigil mo ba ang mga taong tawagin siyang Charice eh mas sumikat ka sa pangalang iyon. Matunog pa ba ang pangalan niya na Jake Xyrus? 

Nagharap ba siya ng petition sa korte na palitan na ang pangalan niya at gawin nang Jake Xyrus? Ang lahat ba ng mga papeles niyang legal ay napalitan na ng pangalang Jake Xyrus? Kinikilala siyang lalaki officially tulad ni Rustom Padilla?

Umaapela nga si Jake na ‘wag siyang tawaging Charice dahil iba na ang pagkatao niya.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with