Nadine, nagsuot ng nababakbak na gown
Sa isang interview, nagpahayag ng pagkagulat si Nadine Lustre sa nabalitang magbabalik siya sa ABS-CBN at nakatakdang gumawa ng isang series. Gusto siguro nitong tukuyin na under nego pa ang lahat, kaya hindi pa sigurado.
Pero, kahapon, kumalat na ang balitang gagawin ni Nadine sa ABS-CBN ang Philippine adaptation ng K-drama na True Beauty. Collab project daw ito ng ABS-CBN Studios ay streaming platform na Viu.
Naalala pa ng netizens na may Zoom meeting si Nadine sa mga taga-GMA kaya inakalang sa Kapuso network siya gagawa ng project. Tsinek namin ang Zoom meeting niya sa mga taga-GMA at nakitang mga taga-GMA Pictures ang kanyang ka-Zoom meeting. Kaya malamang, pelikula ang kanilang pinagmitingan at baka, ka-collab ng GMA ang Viva Films.
Anyway, may pa-statement ang suot na white gown ni Nadine Lustre sa Mega Ball dahil parang nababakbak na pintura sa pader. Malalim din ang caption ni Nadine na “Ode to a disintegrating worldy construct- a reflection of our treatment of the planet, our non-human brothers and sisters, each other, and oneself.”
Dinagdagan pa ni Nadine ang caption niya ng “Soon to be moisturized yung dress since papasok na ang la nina... MOISTURIZED???!!”
Isaw ni Heart, tinanggihan ni Nadine!
Nakakatuwa sina Heart Evangelista at Nadine Lustre sa Mega Ball Fashion and Food. Magkatabi ang dalawa, nang biglang kumuha ng isaw si Heart at ibigay kay Nadine. In fairness, tinanggap naman nito ang isaw, pero hindi kinain.
Hindi sa maarte si Nadine kaya ayaw kumain ng isaw, vegetarian na ang aktres at matagal nang hindi kumakain ng meat, kahit isaw na galing sa manok. Mabilis namang kumuha ng bowl of salad si Heart at muling ibinigay kay Nadine.
Maririnig ang voice over ni Heart na “gulay, gulay.” ‘Yun pala, hindi nito alam na vegetarian na si Nadine, kaya nag-sorry na binigyan niya ito ng isaw. Hindi naman nagalit si Nadine at sinakyan ang pagti-trip nito.
As for Heart, kumakain ito ng isaw at may video pa nga na bumibili siya ng isaw at fish ball noong magpunta sa Sorsogon at enjoy na enjoy pa ngang makitusok-tusok sa fish ball, isawsaw sa suka at saka kinain.
- Latest