^

Pang Movies

Ria, kinumpirmang tatay na si Zanjoe!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ria, kinumpirmang tatay na si Zanjoe!
Zanjoe Marudo at Ria Atayde

Kumpirmadong nagdadalang-tao si Ria Atayde sa first baby nila ng mister na si Zanjoe Marudo.

Kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day kahapon (June 16) ay ipinost ni Ria ang ilang larawan na nagpapakita ng kanyang baby bump.

Sa caption ay binati niya si Z sa kauna-unahan nitong selebrasyon ng Father’s Day.

“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you. Happy first Father’s Day!’ ang mensahe niya sa asawa.

Dumagsa naman ang pagbati ng netizens at kapwa celebrities sa mag-asawa.

Kabilang sa celebs na bumati ay sina Jason Abalos, Nadine Lustre, Kim Rodriguez, Coleen Garcia, Isabelle Daza, Yam Concepcion, Eula Valdez at marami pang iba.

Walang ibinigay na detalye si Ria kung ilang buwan na siyang preggy pero matatandaang matapos ang kanilang kasal ni Zanjoe noong March 23, 2024 ay kumalat na ang balitang nagdadalang-tao ang aktres.

Charlie, ramdam na ang pagiging misis

Isang linggo matapos ang intimate garden wedding nila ni Carlo Aquino, pinahayag ni Charlie Dizon ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng isang post sa Instagram.

Ayon sa aktres, dalawang magkasunod na ganap ang nangyari sa kanya last weekend. Ang una ay ang pagkakapa­nalo niya bilang Best Actress sa Gawad Urian last June 8 at ang pangalawa ay ang kasal nila ni Carlo last June 9.

“It’s been a week since our back to back weekend!!! First i got my first best actress award from one of my dream award giving bodies, ang Gawad Urian. congratulations po uli sa lahat ng kapwa ko nominado and of course sa team #ThirdWorldRomance!!” simula ni Charlie.

Patuloy niya, “A day after, I officially became Mrs. Aquino. grabe ang timing Lord, I believe this is all YOU.”

Kasunod nito ay nagpasalamat siya sa lahat ng sumusuporta sa pag-iibigan nila at nagbigay rin siya ng mensahe sa mister.

Lotlot, may mensahe sa tunay na tatay

Nakaka-touch ang Father’s Day greetings ni Lotlot de Leon sa kanyang American biological father.

Sa kanyang Instagram post ay ikinuwento ni Balot ang naging journey nila ng kanyang ama simula nang isilang siya.

As we all know ay hindi niya nakasama ang kanyang biological dad simula nang bata siya at sa halip ay sina Nora Aunor and Christopher de Leon nga ang kinagisnan niyang mga magulang.

Sa post niya, sinabi niyang naroroon daw sa ospital ang tunay na ama noong siya’y isilang.

“He was there at the hospital when I was born. He knew he had a daughter. But he had other responsibilities already. He kept me a secret for a very long time,” pagre-recall ng aktres.

“He had a very good friend from the Philippines who knew all of these, his story. His friend sent him pictures of me while I was growing up till even the time I had children of my own,” patuloy niya.

Hanggang sa dumating na nga ang panahon na nagkita na sila.

Sinabi rin ng aktres na kasalukuyang nasa hospital ang kanyang biological dad.

“He’s at the hospital now. Please say a little prayer for him. I’ll visit you soonest, papa,” ani Balot.

Of course, hindi rin nakalimot si Lotlot na magbigay rin ng pagbati sa kanyang adoptive father na si Daddy Boyet.

Sa kanyang mensahe ay sinabi niyang forever siyang magiging grateful sa aktor dahil minahal daw siya nito na parang tunay na anak.

vuukle comment

RIA ATAYDE

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with