Kathryn, sosolohin ni Alden sa Canada!
![Kathryn, sosolohin ni Alden sa Canada!](https://media.philstar.com/photos/2024/06/16/8_2024-06-16_21-16-19.jpg)
Tatlong araw na nag-shoot sa Hong Kong ang ka-team ni Alden Richards na sina Joross Gamboa at Jeff Tam para sa pelikulang Hello, Love, Again.
Nagsimula silang mag-shoot doon noong June 13 at kahapon sila natapos.
Sabi nga ng taga-Sparkle, may ilang eksena pa na kukunan si Alden sa Hong Kong bago sila lumipad pa-Calgary, Canada.
Si Kathryn Bernardo ay diretso na raw ng Canada dahil doon na kukunan ang mga eksena nito.
Kaya tinatapos na raw ng Kapamilya actress ang commitments niya rito sa Maynila dahil matagal-tagalan silang magso-shooting sa ibang bansa.
Lani, humabol sa Father’s Day
Si Sen. Bong Revilla ang isa sa may pinakamaraming post sa social media na binati ng Happy Father’s Day kahapon.
Lahat ng mga anak niya ay bumati sa kanya at sinamahan nilang magdiwang ito.
Humabol si Cong. Lani Mercado na kagagaling lang ng Taiwan.
Naka-text ko si Sen. Bong noong isang araw at natuwa ito sa pagkatalaga kay retired Judge Jaime Santiago bilang Director ng National Bureau of Investigation o NBI.
Si Sen. Bong ang gumanap bilang policeman na si SPO4 Santiago sa pelikulang SPO4 Santiago: Sharpshooter.
Isa ito sa pinaka-box-office hit na pelikula ni Sen. Bong noong taong 1996. At naging magkaibigan sila ng retired Judge Santiago.
Samantala, kapansin-pansin na ang mabilis na paggaling ni Sen. Bong sa inoperahan nitong Achilles tendon sa paa.
Dumalo siya sa pagdiriwang ng ika-126th na taon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Dambana ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong June 12.
- Latest