^

Pang Movies

Gab, tumatak sa super selfie

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Sa mga nakalipas na taon, gumawa ng pangalan si Gabriel “Gab” Valenciano para sa kanyang sarili sa labas ng kanyang sikat na angkan.

Maliban sa pagiging pangalawang anak ng OPM icon na si Gary Valenciano, marami ang nakakakilala sa kanya bilang isang “creative dynamo” na napansin ng American superstar na si Beyoncé dahil sa kanyang viral “Super Selfie” videos.

‘Di lamang ito napansin ng mga international media outlet, ngunit naimpluwensyahan din nito ang konsepto ng music video ni Queen Bey para sa worldwide hit single nito na 7/11 na may 600 million views na sa YouTube ngayon.

Prinoduce ni Gab ang kanyang Super Selfie videos habang nag-aaral siya sa Full Sail University sa Florida kung saan nagtapos siya ng certificates for recording arts and recording engineering.

Minarkahan ang videos niya ng mga dynamic dance moves at quick cuts, at powerful edits kaya naman impressed si Beyoncé at sinama niya si Gab sa creative process ng 7/11 music video. Binigyan pa ni Beyoncé si Gab ng “additional choreography” credit.

Dahil dito naging nominado si Gab sa Best Choreography category ng 2015 MTV Video Music Awards, kasama sina Chris Grant at Beyoncé.

Nag-audition din siya sa America’s Got Talent at pumasa ito ngunit ‘di niya naituloy dahil sa kanyang schedule. Ganun pa man, ang kanyang audition piece ay naging bahagi ng nationwide TV commercial aired upang i-promote ang show at lumabas din siya sa America’s Funniest Home Videos, Good Morning America, at mga online media outlets gaya ng Buzzfeed, Huffington Post, Mashable, NBC, at marami pang iba.

Dito sa Pilipinas, inareglo at prinodyus ni Gab ang music para sa ilang soap operas, gaya ng ABS-CBN remake ng K-drama na Green Rose at ng Dahil Sa Pag-Ibig at pati na rina ng theme song ng Jeepney TV.

At siyempre, marami pang iba.

Isa ring accomplished motorcycle champion si Gab ngunit sa nakaraang mga buwan, bumalik siya sa kanyang “roots” bilang musician at performer. Maliban sa kanyang mga radio jingles, isa siya sa mga special guest ng phenomenal Pure Energy: One Last Time concert series ni Gary V sa SM MOA Arena kung saan nag-perform sila for a record-breaking 40,000 people!

Pinamalas din niya ang kanyang unique brand of entertainment sa dalawang mahahalagang events para sa Filipino community sa US.

Nuong June 8, isa siya sa mga key participants sa 126th Annual Philippine Independence Day Celebration sa Carson, California, kung saan nakasama niya ang kanyang ama at kapatid na babae sa entablado.

At nito lamang, noong June 15, naging bahagi si Gab sa TFC 30 Happy Hour para sa 126th Philippine Kalayaan celebration sa Sugar Land, Texas. Ang event na ito, na bahagi ng Kalayaan 2024 celebrations, ay minarkahan ang 126th Philippine Independence and Nationhood.

Nag-relocate si Gab sa Amerika noong 2023. Mula nu’n, tuluy-tuloy ang kanyang creative success, habang binabalanse ang iba’t ibang mga proyekto habang patuloy niyang binabahagi ang kanyang passion sa pag-perform.

Bravo sa iyo, Gab!  (SALVE V. ASIS)

OPM

SINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->