^

Pang Movies

Kabaliktaran sa dating ginagawa...Jay Sonza, natameme!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

MANILA, Philippines — Marami ang nagulat na nakakulong pala ngayon ang broadcaster na si Jay Sonza sa quarantine facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Payatas Quezon CIty.

Ang kuwento palabas siya ng bansa patungong Hong Kong nang pigilin ng mga tauhan ng Bureau of Immigrations dahil sa isang hold departure order laban sa kanya, na pinalabas pagkatapos na mag-issue ang korte ng warrant of arrest dahil sa mga kasong estafa at large scale and syndicated recruitment. Matapos na mai-hold ng BI, inilipat siya sa NBI na siyang umaresto at unang nag-detain sa kanya. Pero dumating naman ang isang committment order mula sa korte na ilipat siya sa BJMP na siya namang tama. Wala naman kasing detention talaga sa NBI, pero marami ang gustong manatili roon matapos na mahuli dahil mas maganda ang facilities ng NBI kaysa sa City Jail.

Iyon nga lang nagiging issue basta nagtagal sila sa NBI na parang pinapaboran, gaya nang nangyari noon sa TV personality na si Vhong Navarro, na inabot ng ilang buwan bago inilipat ng NBI sa BJMP sa Taguig.

Bakit hindi maglagak ng piyansa si Sonza. Sa kasong estafa tiyak na may bail iyon. Pero sa kasong large and syndicated recruitment, na nabibilang sa mga kasong sinasabing economic sabotage, walang piyansa.

Nagiging ganyan ang kaso kung ang pinagbibintangang nagsabwatan ay mahigit sa tatlong tao, o ng biktima ay mahigit sa tatlong tao, large scale at syndicated recruitment na ang kaso roon.

Walang statement mula kay Sonza o kung sino man ang abogado niya.

Kaya nga marami ang nagtataka, si Jay Sonza na napakabilis na magbigay ng komento sa mga bagay-bagay, ngayon ay tahimik tungkol sa pagkakakulong niya.

Luis, pilit na idinadawit sa scam

May mag humihirit pa tungkol sa pagkakaabsuwelto ng NBI kay Luis Manzano sa kaso ng Flex Fuel.

Hindi naman ibig sabihin ng NBI na wala talagang pananagutan si Luis, pero sa kanilang imbestigasyon wala silang nakitang pananagutan noon dahil noong magkagulo, wala na siya sa kumpanya at natangay nga rin maging ang puhunang ipinasok niya sa negosyo. Nakapagpakita rin ng mga dokumento si Luis na nagpapatunay na siya ay biktima rin ng nangyaring scam at siyang unang humiling sa NBI ng imbestigasyon.

Ito namang ibang complainant, nang nasa isip sigu­ro nila ay lalong wala nang mangyayari sa kanilang claims ngayong wala na si Luis kaya pilit pa rin siyang idinadamay.

Ang NBI ay isang investigating agency lamang. Gumagawa sila ng sariling imbestigasyon at tapos dinadala nila iyan sa piskalya na siya namang magsasampa ng kaso sa korte.

Kung talagang gusto nilang idawit si Luis eh di mag-file sila ng kaso sa piskalya.

Pero magsasampa sila ng kaso sa piskalya batay na lang sa sarili nilang haka-haka, na mas malakas sana kung nakita ng NBI na talagang kasama si Luis sa scam.

Kung tutuusin ang hinahabol lang ng karamihan sa kanila ay isang milyon, ang hinahabol ni Luis ay mahigit na P60 milyon ng pinaghirapan din niyang pera.

Matinee idol na ex-live-in partner ng aktres, kinumpirma ang pakikipagsiping sa kapwa lalake

Alam kaya ng mahusay na aktres na ang kanyang naging boyfriend at live-in partner nang apat na taon ay isang bading din? Marami ang nagtatanong, iyon nga raw ba ang dahilan kung bakit humiwalay na rin ang aktres na dati ay siyang patay na patay sa kanyang poging boyfriend, dahil siguro natuklasan na niyang may pagkakataong ang kasiping ng kanyang boyfriend ay isa ring pogi?

Matagal nang tsismis iyan pero ang usapan noon, si Pogi ay pumapatol sa mga bading dahil sa pera. Pero ngayon, nabago ang kuwento dahil sinasabing si Pogi nga ang bading at kinumpirma iyon ng dalawang lalaking pogi rin na diumano ay pinilit niyang makipag-sex sa kanya.

At sa kanila raw pagse-sex, si poging matinee idol ang gumawa ng mga karaniwang ginagawa ng bading.

vuukle comment

BJMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with