^

Pang Movies

Ogie, may plano na hanggang 2025!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Ogie, may plano na hanggang 2025!
Ogie

Siksikan ang mga taong dumalo sa kauna-unahang trade launch ng A-Team headed by singer-songwriter, actor-comedian, host and entrepreneur na si Ogie Alcasid na ginanap nung nakaraang Huwebes ng gabi sa Bonifacio Global City ng Taguig City. The event was attended hindi lamang ng mga taga-advertising world kundi maging ng maraming kilalang celebrities and personalities.

Bukod kay Ogie na siyang punong-abala nung gabing `yun, naroon din ang kanyang wife who also performed, si Regine Velasquez-Alcasid, Martin Nievera, Randy Santiago, Amy Perez, Ryan Bang, Jhong Hilario, Vhong Navarro, ABS-CBN’s chairman Mark Lopez, COO for Broadcast Cory Vidanes, Cory Quirino and Mutya ng Pilipinas candidates, ang mag-asawang Ara Mina at Dave Almarinez, Gian Magdangal, Lara Maigue at iba pa.

During the event ay inilatag ng A-Team ang kanilang plans for 2024 and 2025 at kasama na rito ang concert ng magkasintahang Lara Maigue at Gian Magdangal sa Gateway, ang upcoming major concert ni Martin Nievera sa Araneta Coliseum, ang reunion dance concert ng Street Boys kung saan kabilang sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na gaganapin sa New Frontier Theater, ang String Fever concert ni Noel Cabangon and Friends, ang Power X3 nina Jed Madela, Bituin Escalante at Poppert, ang apat na concert series ni Ogie Alcasid maging ang 12 musical shows din ni Ogie.

Bukod sa pagpu-produce ng shows and concerts, ang A-Team ay nagpu-produce rin ng records at nasa talent management din.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with