^

Pang Movies

Namali ng landas Heart, inaming nahimatay sa Milan kakaawra!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Namali ng landas Heart, inaming nahimatay sa Milan kakaawra!
Heart

Matapos ang kanyang 4th miscarriage kamakailan, ayon kay Heart Evangelista ay okay na raw siya ngayon.

Nagkaroon siya ng live streaming sa Instagram kung saan ay sinagot niya ang ilang katanungan ng netizens. Isa sa natanong sa kanya ay kung happy ba siya ngayon.

“Yes, I’m happy, you know. Sometimes, you have to go through a few things to realize how beautiful your life is already, so I’m just very, very grateful,” sey ng fashion icon.

“I’ve always been grateful naman. Naliligaw lang ako ng landas paminsan-minsan ‘pag naaano pero… lahat naman tayo, I guess. Lahat tayo, may mga imperfections na mga ganyan. But I’m very grateful.

“I had a few situations that happened, I lost my two babies but I’m okay. Keri! Kakayanin! Magagalit si Lord sa ‘tin ‘pag hindi pa rin tayo ngumiti. We’re so blessed,” she said.

When asked kung kailan ang kanyang next movie, ani Heart ay hindi pa niya alam dahil sobrang busy niya these days. “I’m not sure if I’m gonna be able to do a next movie because of some turn of events. I still have to do, you know, I have my work, I will be going to fashion week still, be a bit more picky with the things I need to do like a canned (show),” aniya.

Patuloy pa niya, “a lot of people are asking me about the CANNES Film Festival, I did it before. It’s not really my thing and I felt like I have so much work here.”

Kailangan din daw niyang isipin ang kanyang health and revealed na hinimatay na raw siya sa Milan.

“I have to think about my health. Those of you who don’t (know), nahimatay na po ako nu’ng huling beses sa Milan. Sinundo nila ako sa gitna ng daan after dinner because I was so tired,” kwento niya.

Kaya since then ay nag-iingat na raw siya. “After that, I just have to make sure that everything is really aligned with what I need to do. I also have a lot of responsibilities now,” pahayag ng global fashion icon.

Ngayong linggo ay nanumpa ang mister niyang si Sen. Chiz Escudero bilang Presidente ng Senado.

Martin, humingi ng sasakyan kay Ogie!

Ang saya ng trade launch na isinagawa ng A-Team (Alcasid Total Entertainment & Artist Management) ni Ogie Alcasid last Thursday na ginanap sa CWC Interiors sa BGC, Taguig.

Kwento ni Ogie, hindi nga raw agad naniwala si Martin Nievera nang sabihin niya ang plano niyang big concert for him, ganundin si Vhong Navarro nang sinabi niyang ipo-produce niya ang reunion concert ng Streetboys.

Biro naman ni Martin, “Ogie’s giving me a car, it’s what I’m told. It’s a car, it’s a bonus for this concert. No wheels, but a car.”

Tungkol naman sa Streeboys reunion, ani Ogie, nagsimula raw ito nang marinig niya sa dressing room na nag-uusap sina Vhong at Jhong.

“Nasa dressing room kami, naririnig ko sina Vhong, sina Jhong (Hilario), they wanted to have a reunion and  I said, ‘o, di produce ko na,’” tsika niya.

Inanunsyo rin ni Vhong sa event na pagkatapos ng mahabang panahon ay sasayaw ulit ang Streetboys sa stage nang kumpleto. Magsisiuwian daw ang lahat ng mga kagrupo nilang nasa ibang bansa na tulad nina Spencer, Joseph, Sherwin and Michael.

“Kaya buo po ang Streetboys para sa inyong lahat,” ani Vhong.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with