^

Pang Movies

Female host-actress-singer, luhaan sa endorsement dahil sa taas ng TF!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Luhaan ang isang female host-actress-singer nang hindi siya kunin para sa isang endorsement na target ang pamilya at masa.

Eh masyado kasing mataas ang presyo niya na para bang siya lang ang choice! Makakasama kasi niya ang anak, kaya tinaasan talaga niya ang gustong talent fee.

Naghanap ng ibang talent ang produkto. May nakita itong isang grupo na sikat din at wholesome ang image at malaki ang fan base.

Nalaman ‘yun ng female host. Agad siyang nagpasabi ng mas mababang talent fee. Pero huli na ang lahat dahil kahit ibinaba na ng host ang presyong gusto, mas pinili pa rin ng advertiser ang grupo na may hatak din sa publiko!

ALLTV, mas agresibo na

Magbabalik ang Goin’ Bulilit na pinagsimulan ng ilang nating artistang sikat ngayon at malalaki na.

Si Edgar Mortiz ang creator ng kiddie gag show. Isasama nga sa bagong edition ng show ang ilan sa child stars na napapanood sa It’s Showtime.

Si Edgar pa rin ang director nito at co-director niya ang anak na si Bodjie. Mapapanood ito sa ALLTV.

Agresibo ngayon ang ALLTV sa paghahandog ng bagong shows!

vuukle comment

GOIN’ BULILIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with