^

Pang Movies

Coleen, may sagot sa breakup nila ni Billy

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Coleen, may sagot sa breakup nila ni Billy
Coleen

Inamin ng aktres na si Coleen Garcia na hirap siya pagdating sa kissing scene.

Pinapili ang misis ni Billy Crawford kung saan siya mas nahihirapan, kung sa iyakan ba o sa kissing scene at pinili niya ang huli.
Umamin siya na challenge sa kanya bilang aktres ang pakikipaghalikan sa eksena.

Ayon naman sa nanay ni Amari ay parehong mahirap naman ang dalawa pero pagdating sa iyakan, kailangan daw nandoon siya sa emosyon na iyon pero sa kissing scene ay doon pa rin siya nacha-challenge ilagay ang kanyang sarili roon bilang Coleen.

Hindi pa rin daw kasi niya maiwasang mailing tuwing ginagawa ang ganun.

Nang papiliin naman siya kung ano ang kanyang best role kung sa pagiging nanay ba o pagiging misis ay pareho niyang pinili at sinabing walang tamang sagot doon.

Kasalukuyan daw nasa States ang mister na si Billy kaya nami-miss niya ito at iba pa rin daw ‘pag kasama niya ang mister kung saan meron siyang nakakausap at hindi lang ang kanyang anak na si Amari.

Maaalala namang dinepensahan kamakailan ni Coleen ang mister sa mga bashers na ginagawan ng ispekulasyon ang pagpayat ng mister  at inulit niyang wala itong bisyo o sakit.

Pinabulaanan din niya ang breakup rumors nilang mag-asawa na tahimik lang ang pagsasama. Sinabi niyang abala sila sa paglilipat ng bahay at sa negosyo ni Billy. 

Boy, walang kagalit!

Napaka-generous ni Boy Abunda. Grabe ang kanyang generosity kaya naman malapit ang suwerte sa kanya.

Imagine mo na para bang ‘yung ayuda na ibinibigay niya parang hindi niya binibilang at gusto niya lang talagang tulungan ang isang tao.

Mabuti na lang at talagang likas na mabait si Boy kaya naman lahat mahal siya. Wala pa akong narinig na may nagsalita ng masama tungkol kay Boy, o may nagsalita na nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa kanya. Lahat nang marinig ko magagandang bagay kaya naman proud ka ‘pag nasabing kaibigan ka niya.

You treasure that friendship dahil precious gem si Boy Abunda.

Forever thankful for your friendship, Boy.

vuukle comment

COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with