^

Pang Movies

Goma, pinatunayan ang pagiging maka-diyos

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Goma, pinatunayan ang pagiging maka-diyos
Goma

Mismong si Congressman Richard Gomez ang naglabas sa social media ng isang video nang tumayo siya sa mababang kapulungan ng kongreso para tutulan ang panukalang batas na nagtatadhana ng diborsiyo sa Pilipinas.

Una sinabi niyang ang dapat na gawing batas ay iyong pabor sa karamihan ng mga mamamayan at sa Pilipinas na hindi maikakailang 87% ng mga tao ay Katoliko. Tutol ang simbahang Katoliko sa divorce.

Hindi kami nagtaka dahil si Congressman Goma ay isang aktibong Katoliko, ganoon din ang kanyang asawa at mga biyenan. Silang lahat ay kilala pang mga deboto ni Santo Padre Pio ng Pietrelcina. Si Padre Pio ay tutol na tutol sa divorce.

Isipin mo iyon ngang wala pang divorce sa bansa eh may nakita na tayong artistang dalawang ulit na nagpakasal dalawang ulit ding nakakuha ng annulment, at ngayon ay may kinakasama na namang iba. Wala pang divorce iyan ha.

At kahit na walang divorce, masyado na ngang maluwag ang ating moralidad. Hindi ba’t may nakita na nga tayong kung ilan ang anak pero magkakaiba ng tatay?

Kung may divorce pa eh di siguro nagpakasal nang nagpakasal iyan taun-taon. Magiging laruan na nga lang ang kasal.

Pabor kami sa lahat ng sinabi at sa paninindigan ni Congressman Goma laban sa divorce.

Miss U, papalaos na?!

Mukhang nagbabago na yata ang panahon marami nang umaayaw sa Miss Universe. Sa buong mundo, may ilang bansa nang hindi sumasali sa Miss Universe dahil sa ilang pagbabagong nangyari nang ang samahan ay mabili ni Anne Jakrajutatip. Marami rin ang nawalan ng gana nang sabihin na papayagan na ang mga transgender o at mga may asawa na sumali sa Miss U. Si Jakrajutatip ay isang transgender.

Dito naman sa atin ginaganap pa lamang ang Miss Universe Philippines ang dami nang hindi magagandang comments na lumalabas sa social media, at lalo na nang lumabas na hindi ang popular choice ang nanalo.

Greta, sasabak sa paggawa ng ‘batas’

Maugong na maugong na papasukin daw ni Gretchen Barretto ang pulitika at mukhang tatakbong congressman sa Manila sa nalalapit na midterm elections. Totoo na marami namang natulungan ni Gretchen lalo na noong panahon ng pandemic pati na iyong ginagawa niyang pamimigay ng wheel chair sa mga nangangailangan noon pero ang congresswoman ay isang legislative job.

Ang kailangan ay iyong gumagawa ng batas, hindi tumutulong lang sa tao.

Kung talagang interesado siya sa pulitika, siguro mas dapat tumakbo siya para sa isang executive position, halimbawa ay mayor, o kaya ay governor or better still magsimula muna bilang isang barangay captain.

Kasi kung executive siya, mas marami siyang matutulungan kaysa sa gagawa lamang siya ng batas, eh hindi naman siya isang abogada at walang background sa mga umiiral na batas.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with