Maja, natampal si Rambo nang alukin ng kasal!
Taong 2020 pa ‘yung engagement ring ni Rambo Nuñez para sa girlfriend na si Maja Salvador.
Eh ayon sa pahayag ni Maja sa Eat Bulaga, hindi raw puwedeng mag-propose sa kanya ang boyfriend na si Rambo hangga’t wala ang nanay niya.
“Nasa Canada si Mama at nag-pandemic. Tapos, eh di heto na nang lumuwag-luwag na. Nandito na ang nanay ko.
“Eh di nagkaroon ng konting bakasyon. Tapos magsasama-sama ang pamilya ko at pamilya niya.
“Tapos, heto na nga, may pa-Easter egg hunting. Sa Palawan, Puerto Prinsesa. Siyempre nakilaro ako, laru-laro. Takbu-takbo. Haggard na ang beauty ko.
“Tapos nanalo ang group namin. Tapos, si Tim ang group leader. Ako ‘yung mag-a-accept ng prize. Akala ko prank, babasain ako.
“Eh ‘yun palang laman ng malaking egg, singsing!
“Parang totoo pala, hindi echos-echos ‘yung sinasabi na no words, wala kang masabi. Totoo pala talaga.
“Parang na-stuck pa lang ako sa engaged. Congrats. Tapos ‘pag tinatanong, “Kelan ang kasal?’ Oo nga, may kasal pala!
“Lumuhod si Rambo at sa sobrang gulat ko, natampal ko si Rambo! Ha! Ha! Ha!
“Nang tapos na, nagtanong ako sa kanya ng, ‘Magtanong ka ba ng will you marry me? Sagot niya, oo, tinampal mo kasi ako!
“Kasi nagulat ako. Enjoy ako sa pakikipaglaro sa kids. Pamangkin niya. Kasi akala ko, game pa?” bahagi ng kuwento ni Maja sa engagement niya.
Wala pang sinabing date si Maja sa kasal nila ni Rambo.
- Latest