Dream maker alumnus na si Matt Cruz, ‘down bad’ pagdating sa pag-ibig

MANILA, Philippines — Lubos-lubos na pag-ibig ang hatid ng dating Dream Maker contestant na si Matt Cruz sa kanyang bagong awitin na Down Bad.
“Tungkol ito sa mga taong sobrang in love na handang gawin ang lahat para mapansin at makuha ang atensyon ng taong gusto nila,” saad niya.
Nagpapasalamat si Matt sa pagkakataong makapagsimula ng kanyang solo career sa ilalim ng Old School Records label ng ABS-CBN Music.
“Sobrang grateful at blessed sa mga nangyayari ngayon sa career ko and hindi ko ‘to magagawa lahat kundi dahil sa mga taong naniniwala sa akin,” aniya.
Isinulat at iprinodyus ni Kiko “Kikx” Salazar ang Down Bad.
Unang nakilala si Matt sa kanyang pagsabak sa iba’t ibang reality survival shows tulad ng Dream Maker kung saan nakapasok siya bilang finalist. Inilabas niya ang debut single na Missin’ noong 2022. Ilan sa musical influences niya ay sina Gary Valenciano at Chris Brown.
- Latest