Kim nawindang, iniintriga sa pagkakaaresto kay ‘Tatay Digong’

Trending si Kim Chiu kahapon.
Pilit na ikinokonek sa pagkakaaresto kay former president Rodrigo Duterte ang spiel niya sa It’s Showtime kaya naman mabilis sumagot si Kim sa Twitter: “Hoy! Kaloka kayo. Binasa ko lang ‘yung script namin na spiels. Kayo talaga! GV GV lang tayo spread kindness and good vibes.”
Bukod pa ito sa unang sagot niyang : “Hala nakakaloka! Bat ako nasali dyan?!!! Like o to the M to the G!!!! Busy ako sa ibang bagay. Dyosko wag nyoko isali sa ganyan. Parang awa nyo na. Ang gulo na po ng mundonh ibabaw. wag na tayo dumagdag. Dyosko nalanh talaga.”
Ayon sa fan ni Kim, isang content creator ang nag-umpisa ng lahat na kung saan pinaniniwalaan daw ng ibang followers ang sinasabi nito na diumano ay “deserved ni Tatay Digong na makulong.”
Na hindi naman sinabi ni Kim.
Kaya naman nag-warning ang ibang fans na may cyber libel.
“‘Yung ginagawa niyo kay Kim Chiu ngayon ay malinaw na defamation. Sana talaga ituloy ni Robi D (Robi Domingo). yung kaso niya para magsunod-sunod na. Accountability time!? #StopFakeNews #ProtectKimChiu,” tweet ng isang fan.
Awss. Talagang malala na ang fake news.
Richard, may gustong diskubrehin sa mga lumalabas sa survey na senatoriables
Tama naman si Cong. Richard Gomez na ito ang tamang oras para madiskubre ang mga pulitikong pwedeng iboto sa paparating na mid-term elections. Sabi nga niya sa isang post : “In these critical times, it is more important than ever to hear from our leading senatorial candidates. This is our chance to scrutinize their leadership, assess their problem-solving and critical thinking abilities, and evaluate their concrete plans for the nation’s most pressing issues.
“You want our votes, you need our votes, we want to know what’s on your mind.
“The future is at stake—let’s hold them accountable and demand real solutions.”
Tama. Hindi ‘yung pulos ayuda lang ang alam gawin.
Rodrigo, kopyang-kopya ang King of Pop
Parang si Michael Jackson talaga ang nakaharap namin nung isang araw. May goosebumps actually.
Nasa Maynila ang Brazillian singer-songwriter at Michael Jackson impersonator na si Rodrigo Teaser para sa Michael Lives Forever, isang tribute show sa King of Pop na magaganap sa Marso 14 at 15 sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City.
Nine years old lang si Rodrigo nung nag-umpisa siyang i-impersonate ang King of Pop at aminado si Rodrigo na hindi niya in-expect na mararating niya ang popularity bilang number 1 impersonator ni Michael Jackson.
At ngayon ay kasama na sa kanyang grupo ang choreographer at dancer ni MJ ayon kay Rodrigo for 20 years, nang humarap siya sa ilang local press last Tuesday.
Grabe, pati ang boses niya, Michael Jackson talaga.
“I started to do this when I was 9. Now I’m 44,” aniya nang tanungin kung hanggang kailan niya planong i-impersonate si MJ.
As long as may respeto raw sa kanya, ay magpe-perform siya.
Inamin din nitong nakakausap niya ang pamilya ng nasirang superstar.
Kabilang daw sa nakausap niya ang mga brother ni Michael, sina Jermaine at Jackie at aniya, mababait ang mga ito. “Pero hindi ako sigurado kung napanood nila ang ginawa ko. Alam kong alam ito ng ilang pamangkin ni Michael, pinadalhan nila ako ng mga video na nagsasabing ‘maganda ito’,” sabi pa ni Rodrigo in English.
At ilan sa mga favorite niyang hit song ni MJ ay ang Thriller, Billie Jean, Smooth Criminal at marami pang iba.
Huli siyang nag-perform sa China kung saan kasama niya ang isa sa mga pamangkin nito.
Sabay raw silang nag-perform at isa itong malaking karangalan para sa kanya. Aniya, alam niya kung gaano sila kamahal ni Michael.
Naging magkaibigan daw talaga sila at pinakita nito ang napakaraming videos at moments niya with Michael.
Inamin din ni Rodrigo na nagpagawa siya ng ilong para mas maging mukhang si Michael Jackson.
Rayver, ayaw magbigay ng detalye sa kasal nila ni Julie Anne
Pakakasal na ba sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose?
Ito ang madalas itanong sa magkarelasyon.
Kaya naman hindi nakaligtas si Rayver noong isang gabi.
Mabilis naman ang sagot ng Kapuso actor na “In the near future.”
Sure na sure na ang actor na sila na nga ni Julie Anne. “Sobrang saya. Getting stronger everyday. Super happy. Kita naman sa aura ko na sobrang saya ko ngayon,” umpisa niya.
“‘Yung about sa kasal, medyo mahirap magsalita tungkol diyan, kasi lagi rin naman tinatanong sa akin ‘yan. Mahirap pang sagutin ‘yan ngayon, kasi gusto ko sana si Julie muna ang unang makakaalam kung kailan ko paplanuhin,” dagdag niya.
Pagdidiin niya : “Pero one thing na sure ako, si Julie na talaga ang gusto kong mapangasawa. Of course, marami pang kailangang gawin, pero kung will ni Lord, si Lord na ang bahala.”
Paliwanag niya, mataas ang respeto niya sa karelasyon : “Of course, sobrang taas ng respeto ko sa family ni Julie, sa parents niya, so kapag plantsado na lahat, hindi naman natin alam kung kailan ‘yan, pero kung iuukol na ng Panginoon… yes, si Julie naman na talaga ang gusto kong makasama habangbuhay,” parang memorized nang sagot ni Rayver pagkatapos ng presscon ng pelikulang Sinagtala kung saan isa siya sa mga bida.
Tho may times na gusto na rin niyang magka-baby lalo na ‘pag nakikita niya ang anak ng brother niyang si Rodjun Cruz na dalawa na ang anak.
“Si Rodjun talaga ang role model ko. ‘Yun din ang goals ko, ang magka-baby na rin, magka-pamilya rin.”
Anyway, aside from Rayver, bida rin sa Sinagtala sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Arci Muñoz, Matt Lozano, directed by Mike Sandejas.
- Latest