^

Pang Movies

Celeb couple ‘di pareho ang gusto, maraming beses nang nilalayasan ng mga contractor!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakailang contractors na pala ang celebrity couple dahil sa sobrang komplikado nilang katrabaho.

Ayon sa aming source, paiba-iba raw ang isip ng dalawa pagdating sa design at pag-construct ng kanilang dream house.

“Magkaiba kasi ang gusto ni mister at ni misis. Type ni mister ay modern na bahay. Si misis naman ay gusto ‘yung conservative type na bahay. Pati raw sa pagpili ng pintura ay nagkakagulo sila kaya ang ending ay nagre-resign ang contractor nila. Nakatatlong contractor na silang nilayasan sila. Pati arkitekto nila, naimbiyerna na rin kaya binalik nito ang in-advance sa kanya dahil paiba-iba raw ang gusto ng mag-asawa.”

Kaya may one year na raw nakatengga ang nasimulan na bahay dahil wala silang nakuhang trabahdor para sa matapos ito.

“Baka kumalat na ang balita na mahirap silang katrabaho kaya maraming umaayaw. Siyempre, ‘yang mga contractors magkakakilala ‘yan. Bad review ang mag-asawang ‘yan sa mga dati nilang contractors, kaya walang gusto tumanggap ng trabaho sa kanila. Kahit ba malaki ang bayad, kung magulo silang kausap e huwag na lang,” sey ng source.

Sa ngayon ay sa isang bahay nila nakatira ang celebrity couple habang naghahanap pa sila ng gustong magtrabaho sa dream house nila.

Jak, hirap sa pinatatapos na bahay

Unti-unti na palang natatapos ang pinapatayong bahay ni Jak Roberto. Sa latest vlog nito, ang interior finishing na ang malapit nang makumpleto.

“Ngayon nakapag-install na tayo ng ating door. Itong main door natin wood ito para swerte,” sey ng Kapuso hunk na abala sa inspeksyon ng bahay niya.

Centralized ang airconditioning sa bahay at siya mismo ang namili ng mga ikakabit na mga bintana, tiles, toilet fixtures and accessories at pati appliances sa malaki niyang kitchen. “Grabe totoo talaga ang sinabi nila, mahirap talaga magpagawa ng bahay pero sobrang nakaka-excite na guys! Ang dami nang nagdaan na pagsubok! Wala nang sukuan ‘to!”

Noong October 2022 pa simulan ang pag-construct sa three-story house ni Jak.

Kumuha raw siya ng inspiration sa mga bahay kung saan siya nagte-taping. “Kahit ‘yung mga location namin na mga bahay sa taping, minamasdan kong mabuti kung paano dinesenyo. Kasi sabi ko sarili ko, kapag magpapagawa na ako ng bahay, kahit papaano may idea na ako sa ipapagawa ko sa architect ko. This makes me more motivated to keep doing what I’m doing and to work hard.”

Nasabi noon ni Jak na para sa kanila dapat ng ex-girlfriend niyang si Barbie Forteza ang bahay na pinapagawa niya pero naghiwalay sila noong nakaraang January 2025 lamang.

Spanish trans actress, nasabotahe

Nagsalita na ang Spanish trans actress na si Karla Sofía Gascón sa mga natanggap niyang paninira sa kanyang career.

Si Karla ang first trans actor to be nominated for an Oscar sa best actress category for Emilia Perez. Dahil sa biglang paglabas ng mga tweet niya from many years ago, na-shut out siya sa campaign ng movie na nakakuha pa naman ng pinakamaraming nominations.

Pakiramdam niya ay biktima siya at may nanabotahe sa chances ng isang transgender na magkaroon ng magandang acting career sa Hollywood. “Absurd and even delirious accusations were thrown at me, which deeply hurt my spirit. Things escalated to a point, and so quickly, that I couldn’t even breathe. Amid this unexpected, devastating storm, there have been moments when the pain has been so overwhelming that I contemplated the unthinkable. I harboured darker thoughts than those I considered in some of my previous, no less intimate and personal struggles. And I asked myself: if I, with all my strength and preparedness to deal with rage and rejection, am on the edge, what would have become of someone with fewer emotional resources to resist this onslaught? Somehow, I made it. Others would not have survived this brutal winter I am about to wrap up.”

Naka-attend siya ng Oscars ceremony at pinaabot niya ang kanyang pagbati sa co-star na si Zoe Saldana na nanalong best supporting actress para sa pelikula nilang Emilia Perez.

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad