Sen. Robin, umapela sa pag-aresto kay Digong

MANILA, Philippines — Biglang lumabas ang pahayag noong 2023 ni Senator Robin Padilla na sasama siya kay dating Presidente Digong Duterte ‘pag inaresto ito ng International Criminal Court (ICC).
Aniya sa nasabing interview noon :
“Walang iwanan nga e. Sasamahan ko sila kung saan sila, tutal sanay naman tayo sa kulungan. Sa abroad pa, naku masarap pagkain doon. Okay ‘yon,” sabi niya na ang tinutukoy noon ay hindi lang si former president Duterte kundi ganundin si Sen. Bato dela Rosa.
Naghihintay nga ang lahat habang sinusulat namin ito kung dadalhin na ba ang dating pangulo sa Netherlands matapos ang pagpaparesto rito.
Habang ang matagal nang kaalyado ng dating pangulo na si Senador Dela Rosa ay naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) para kwestyunin ang pag-aresto kay dating pangulo sa pamamagitan ng warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC), na nagmarka ng pagsisimula ng legal na labanan sa pagitan ng mga kampo ng pamahalaan at Duterte.
Kaya naman biglang nabuhay ang mga sinabi ni Sen. Robin na kilalang loyal kay Duterte na kung sakaling ibiyahe ito sa Netherlands ay kung sasama ba ang aktor / senador.
Nag-post naman si Sen. Robin ng kanyang apela kay PBBM na gamitin ang kanyang kapangyarihan para pigilan ang pag-aresto kay Digong.
Aniya, “My earnest plea, Mr. President, is for you to exercise your executive power to halt the operations of the Philippine National Police in following directives from a foreign entity that undermine our laws and violate our sovereignty. The fate of our beloved country now rests in your hands, Mr. President.We must consider the sentiments of our people, especially in these critical times when the world is shaping its future. Unity among Filipinos is crucial as we navigate this era of geopolitical conflict and trade wars.”
Si Duterte ay inaresto ng ICC sa pamamagitan ng Interpol noong Martes ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport at ‘di nagtagal ay dinala sa Villamor Air Base, kung saan siya ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya. Siya ay inaresto matapos i-tap ng ICC ang Interpol – kahit na ang Pilipinas ay hindi na miyembro-estado ng ICC, ang bansa ay nananatiling bahagi ng Interpol.
- Latest