^

Pang Movies

Glaiza at Arci, naisalba ng musika

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Glaiza at Arci, naisalba ng musika
Sinagtala stars

Hindi napigilang maging emosyonal ni Glaiza de Castro sa grand media­con ng upcoming musical film niyang Sinagtala na ginanap last Tuesday.

Natanong kasi sa lead stars ng movie na sina Glaiza, Rhian Ramos, Arci Munoz, Matt Lozano and Rayver Cruz kung paano sila nakabawi sa mga pinagdaanang struggles in life.

Ayon sa kay Glaiza, “bukod sa prayers, isa sa mga talagang masasabi kong nagsalba sa akin sa kalungkutan ay musika. ‘Yun ang ano…”

At this point ay nagsimula nang maging emosyonal ang aktres at tumulo na ang luha.

“Bakit ako naiiyak?” natatawang naiiyak niyang sabi.

“Sorry, guys, feeling ko lang may PMS ako ngayon, so medyo emotional ako,” dagdag niya.

Paliwanag ni Glaiza, sobrang laking bahagi ng music sa buhay niya lalo na nga kapag may pinagdadaanan siya.

“Kapag pinag-uusapan yung music kasi very significant siya sa akin. Para sa akin, gift talaga ‘yun ni Lord sa akin, sa pamilya ko. Kasi, ano kami, musically-driven na family.

“Every time na may struggle, talagang music ‘yung nagpapasaya. Kaya itong pelikula na ito, noong nakita ko, akala ko nga ‘di ko na magagawa, eh. pero in-allow ni Lord na mapasama ako rito,” aniya.

Habang ginagawa nga raw nila ang pelikula ay emotional na siya na hindi rin niya alam kung bakit.

“Noong nagsho-shooting pa lang kami ng pelikula, nag-iiyakan na kami. Hindi ko talaga alam kung ano ang mayroon sa pelikulang ito at bakit ako emosyonal. Ayun nga, siguro maraming elements ang movie na ito na talagang nakaka-relate ako.

“Kasi, ‘yung music din talaga is outlet din sa akin. Kumbaga, sobrang grateful ako na sa industriyang ito, talagang nakakagawa ako ng kanta and nase-share ko rin sa followers ko,” sey ng aktres.

“Pero hindi talaga ako ‘yung tipo ng tao na bumibirit, e. Ang dami ko ring insecurities – sa boses ko, sa kaya kong gawin – pero dahil nga mahilig kami sa pamilyang kumanta, bata pa lang ako na-train na akong kumanta, parang feeling ko lang dumating ako sa age na niyakap ko rin ‘yung boses ko.”

“Again, through this film, parang nagkaroon ako ng bagong purpose sa life as a band leader. Wow!” pagbibiro pa ni Glaiza.

Para naman kay Arci, ang iniidolo niyang Korean boy band na BTS ang nagsalba rin sa kanya sa maraming pagkakataon dahil ang mga awitin ng mga ito ang nagpapasaya sa kanya. Looking forward na nga raw siya sa paglabas ng K-pop group sa military.

“Nagtatrabaho na po uli ako ngayon para may pambili ako ng ticket, may pambudol,” natatawa niyang sabi.

Favorite BTS song daw niya ay Yet To Come.

“Naniniwala ako na sa dami ng pinagdaanan ko, the best is yet to come and this is my year, na magiging blockbuster ang Sinagtala,” sey ng aktres.

Sa movie ay magkakasama sa isang banda ang mga karakter nina Glaiza, Rayver, Matt, Rhian at Arci. Ipapakita sa pelikula ang kanilang mga struggle sa banda at may kanya-kanya rin silang mga highlights.

Showing na sa April 2 ang Sinagtala under Sinagtala Productions mula sa direksyon ni Mike Sandejas.

Ryza, binenta ang nerf gun na tinutok kay Sunshine!

Ibinenta ni Ryza Cenon kay Boss Toyo ang nerf toy gun na ginamit niya sa hit 2017 GMA 7 series na Ika-6 na Utos.

Matatandaang naging viral ang isang eksena sa naturang afternoon series kung saan ay tinutukan ng nerf gun ng karakter ni Ryza na si Georgia ang karakter naman ni Sunshine Dizon na si Emma.
Sa sobrang hit ng eksenang ito ay nagkaroon pa ito ng iba’t ibang memes.

Sa latest vlog ng Pinoy Pawnster ay mapapanood ang pagbebenta ni Ryza ng toy gun kay Boss Toyo.

Naalagaan naman ni Ryza ang toy gun at mukhang bago pa’t nakalagay pa sa isang acrylic case.

Ayon sa aktres ay first time niyang magbenta ng memorabilia kaya hindi niya alam kung magkano ang ipepresyo niya.

Sa huli ay nagkasundo sila sa presyong P10,000. Pinirmahan pa ni Ryza muna ang laruan.

Ayon kay Ryza ay nag-enjoy raw siya sa experience niya sa pagbebenta kay Boss Toyo and who knows, baka raw may makita pa siyang memorabilia sa bahay niya na pwedeng ibenta pa.

GLAIZA DE CASTRO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->