^

Pang Movies

Andres, walang tapon ang hitsura

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Andres, walang tapon ang hitsura
Andres Muhlach

Ang bongga naman ni Andres Muhlach sa mga litrato niya sa PEP.ph.

Walang duda na napakagwapo talaga ng anak nina Aga at Charlene Muhlach.

Lutang nga ang pagkahawig niya sa mommy niya.

Pang-leading man talaga ang look ng kakambal ni Atasha na bagay ang role na mala-Dao Ming Si ng Meteor Garden o kaya mga heredero.

Naku siguradong panonoorin iyan ng fans niya.

Kahit saang anggulo nga ay walang tapon sa binata ha. Kaya ang dami talagang fans na nababaliw sa kanya.

Siguradong plus points pa sa kanya kapag natuto pa siyang magsalita ng Tagalog.

Nakakaloka nga na kahit mga maedad ay nababaliw sa kanya ha.

Nakakatuwa lang na hindi mayabang ang bagets na hindi raw siya aware o inisip na gwapo siya.

Talagang napalaki nang tama nina Aga at Charlene ang mga anak nila.

Ang lakas nga ng charisma niya kaya may mga basher na ang tanging napipintas lang ay ang pagsasalita niya ng Tagalog na inaaral na rin niya.

Kung sa pag-arte naman ay sinabi na raw nito na nagwo-workshop na siya at sigurado namang hindi siya pababayaan ng parents niya sa pagbibigay ng tips noh.

Wow, may gusto raw itong i-remake na pelikula ng tatay niya na Dahil May Isang Ikaw.

Bet daw pala niya ang whole get-up ng daddy niya roon na businessman at clean-looking.

Siguradong bagay sa kanya iyon. Go na, push na iyan. Bongga.

ANDRES MUHLACH

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->