Jennylyn, sa Europe mag-aaksyon

Lumipad na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo pa-Europe at Middle East para sa taping ng Sanggang Dikit FR at special meet-and-greet sa mga kababayan natin. First stop nila sa Milan sa June 22, sunod nilang pupuntahan ang Zurich, Switzerland at last stop nila ang Dubai.
Two weeks sa abroad ang mga bida ng action-comedy-drama series, kaya isinama ang daughter nilang si Dylan.
“Malulungkot ‘yun at hahanapin kami ‘pag hindi kami makita,” sabi ng DenJen.
Si Dylan lang ang isinama nila sa kanilang mga anak dahil may pasok na sina Calix at Jazz.
Excited din sa taping sa ibang bansa ang DenJen at kanilang pinaghandaan dahil mapapasubo raw sila sa matinding takbuhan at action scenes.
“Malaking project ito. Abangan na lang ang mga gagawin naming eksena. First time kong gumawa ng action series, kaya mas ang paghahanda. Si Dennis, gumagawa na ng action, sanay na siya,” ayon pa kay Jennylyn.
Sa Monday na, ang world premiere ng Sanggang-Dikit FR, 8:50 p.m., sa GMA 7. Sa direction ni L.A. Madridejos.
Julia, gustong gawing madre
Mag-a-active na uli ang Cine Suerte, ang production ni Ben Yalung at ang una niyang gagawing pelikula ay ang biopic ni Archbishop Teofilo Camomot who hails from Carcar, Cebu. Naghahanap na ng right actor na gaganap sa role at karakter ni Padre Lolong.
Bale three actors ang hinahanap nila to portray the young Teofilo, adult and senior Teofilo and the moment makahanap na sila ng right actors, sisimulan na ang shooting na tingin ni direk Ben, tatagal ng three months.
Religious films na ang gustong iprodyus ng Cine Suerte and in fact, ang next na naka-line up ay biopic ni Sister Teresita “Teresing” Castillo at tungkol sa Lipa Marian Apparitions at ang Rose Petal Shower. Si Julia Montes ang napili ni direk Ben na gumanap na Teresing at sana raw pumayag.
Unang na-consider for Teresing role si Dang Cecilio, hindi lang natuloy, sumunod si Vilma Santos na hindi rin natuloy dahil inabot ng pandemic.
Ngayon, si Julia na ang napipisil ni direk Ben to play Teresing at aliw pa nga ang description niya sa aktres. “‘Yung girlfriend ni Coco Martin,” sabi nito na kinorek ng press dahil wife raw si Julia ni Coco.
Pokwang, nanupalpal ng basher
Kasama si Pokwang sa cast ng The Sacrifice, ang horror film produced ni Lovi Poe under her C’est Lovi Productions.
May mga nagtanong kung bakit siya isinama sa cast, sayang at hindi yata nabasa ni Lovi o ni Pokwang ang tanong, kaya hindi nasagot ang nagtanong.
Nasupalpal lang ang nagtanong kung bakit kasama siya sa cast sa sagot nito na “Alangan namang ikaw ang isali.” Ayun, hindi na nakahirit ang basher niya.
Malamang bagay kay Pokwang ang role dahil bukod kina Lovi, Enchong Dee, director Lav Diaz at Max Collins, may international actors pa na kasama sa cast at malamang nakaeksena rin ni Pokwang.
Saka relevant pa si Pokwang dahil host siya ng TikToClock at isa sa judge sa dance competition na Stars On The Floor. Kasama niyang judge sina Marian Rivera at coach Jay na choreographer ng SB19.
- Latest