^

Pang Movies

Emilio sumabak sa BL…

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Emilio sumabak sa BL…
Emilio

Bibida si Kapamilya star Emilio Daez sa unang iWant Original series ngayong 2025 na Love at First Spike, tampok ang kwento ng Gen Z high school life at kwentong LGBTQIA+ sa larangan ng sports ngayong Pride Month, na eksklusibong mapapanood sa iWant ngayong Biyernes (Hunyo 20).

Hindi lang sa court kundi pati sa usapang pag-ibig masusubok ang karakter ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ex-housemate na si Emilio sa pagitan ng mga karakter nila ng Kapamilya star Sean Tristan bilang Jared at Pinoy Big Brother: Otso ex-housemate Reign Parani bilang Farrah.

Dahil LGBTQIA ang kuwento, natanong si Emilio kung handa ba siya sa laplapan sa kapwa lalaki. Aniya ay wala namang problema sa kanya dahil trabaho ‘yun ng actor na katulad niya. “It’s not a problem naman, kasi I’m an actor. And I am open talaga to acting, any project na ibibigay sa akin. I’m new to this industry, so wala akong hesitations. I’m an actor, and I will do my best!” paliwanag niya na bukod dito sa Love at First Spike ay digital host din siya sa Idol Kids Philippines.

Katwiran pa niya: “I’m very new to this industry, so every opportunity po is a blessing for me. I don’t know what the future holds, that’s manage­ment decision. But I am an actor, and that’s what I will do!”

Anyway, maraming nalungkot nang lumabas siya sa Bahay ni Kuya kasabay si Michael Sager.

Ang dami nung umasa na makakasama sila sa Big 4 ni Michael. Kaya natanong siya kung sino ang bet niyang maging Big 4 sa kasalukuyang Collab ng GMA 7 at Kapamilya Network?

“Ang Big 4 ko… MiLi and ShuKla. Iyan ang Big 4 ko!” natatawang sagot ni Emilio. Na-evict na pareho ang ShuKla tandem nina Shuvee Etrata-Kla­risse de Guzman, at MiLi duo nila ni Michael.

Naikuwento rin ni Emilio na bago siya pumasok sa Bahay ni Kuya ay pinag-aralan na niya ang pag-shower na hindi nasisilipan.

“Nagpraktis ako. Kasi si Megan, ‘yung kapatid ko, she already told me na, ‘Magpraktis ka sa bahay! Mag-shower ka with underwear!’ So, ‘yun ang ginawa ko.”

Sister-in-law ni Emilio ang bagong panganak na si Megan Young na misis ng brother niyang si Mikael Daez at naging housemate noong 2007.

Anyway, ang Love at First Spike ay sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal na direktor ng ilang coming-of-age at may temang LGBTQIA+ movies at series tulad ng The Panti Sisters at Gameboys, tampok sa bagong serye ang ilang mahahalagang yugto ng Gen Z high school life tulad ng unang heartbreak at pagkilala sa sarili, habang tinatalakay ang ilang sensitibong usapin tulad ng stereotypes sa kasarian sa larangan ng sports at mga dinaranas ng student-athletes.

Makakasama rin sa all-star lineup ng series sina Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate River Joseph, Pinoy Big Brother Gen 11 ex-housemates, Dylan Yturalde, Rain Celmar at Binsoy Namoca, Pinoy Big Brother: Otso ex-housemate Sky Quizon, at PBB Connect ex-housemate Andi Abaya.

Bahagi rin ng cast ang dating Sparks Camp campers na sina Universe Ramos, Miggy Ruallo, Nick de Ocampo, at Bong Gonzales.

Hindi rin pahuhuli ang iba pang Kapamilya stars na sina Adrian Alandy, Meryll Soriano, Jude Hinumdum, Lance Reblando, Gio Alvarez, at Alwyn Uytingco na handang mag-serve, set, at spike ng samu’t saring emosyon sa kwento ng bagong series.

Mag-subscribe na sa iWant sa halagang ?35 lang (o katumbas ng halaga nito sa inyong bansa) kada buwan at panoorin ang iba pang iWant Exclusive Originals, sa iyong Smart TV.

EMILIO DAEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with